Pagtatatag ng City Science High School sa Lungsod ng Tanauan Kasado Na
OpinYon Batangas

Pagtatatag ng City Science High School sa Lungsod ng Tanauan Kasado Na

Nov 7, 2023, 5:45 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

Sa pangunguna ni Local School Board chairman at Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes, kasado na ang isasagawang mga programa ng DepEd Tayo-DepEd Tanauan City para sa pagdiriwang ng Education Week sa Lungsod na layong daluhan ng lahat ng mga guro at mag-aaral.

Bukod rito, kasalukuyang pinagpaplanuhan na rin ng Local School Board ang pagtatatag ng City Science High School na layong tutukan ang mga aspetong patungkol sa Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM).


Ang edukasyon na nakabatay sa STEM ay nagtuturo sa mga bata ng higit pa sa mga konsepto ng agham at matematika.


Ang pagsusumikap na magkaruon ng mga gawaing may kinalaman sa totoong buhay ay tumutulong sa pagbuo ng iba't ibang mga kasanayan, kabilang ang pagiging malikhain at mga kasanayang kaugnay sa ika-21 siglo.


Samantala, kabilang din sa tinalakay ay ang mga sumusunod:

• Proposed Supplemental Budget No. 2

• Acquisition of school site

• Reiteration of Procurement of ID Printing Machine, ID and Lace

• Update on the Integration of School in Trapiche

• Update on the registration of BSP, GSP, and Red Cross

• Conduct of General Assemblies

• A Capacity Building on School Effectiveness and Recognition of Best Practices and Outstanding Accomplishment

• Feedback COA Auditor SEF procured material and equipment


Habang tinututukan na rin ng LSB ang pagpapaabot ng karagdagang mga armchairs at lamesa para sa mga bagong tayong School Buildings.

#OpinYonBatangas #CityScienceHighSchool #Tanauan #LocalSchoolBoard #SonnyPerezCollantes #DepEd #STEM #OpinYon #WeTakeAStand


More about OpinYon Batangas

P11-B sofware hub ng Dyson nakatakdang itayo sa Sto Tomas City, Batangas

P11-B sofware hub ng Dyson nakatakdang itayo sa Sto Tomas City, Batangas

3 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2023 OpinYon News. All rights reserved.