Tumbas Manipis
Tumbas Manipis

Not so August thoughts

Aug 25, 2021, 12:05 AM
John A. Bello

John A. Bello

Writer/Columnist

BUWAN ng wika pag Agosto, pero sa ethnolinguistic na pagpapalagay, dapat daw ay buwan ng mga wika: Ibig sabihin, hindi lang ng wikang Filipino, kundi ng wikang Bikolano, Ilocano, Waray, Cebuano, Kapampangan, Kinaray-a, etc.

Hanggang ngayon, taong 2021 at panahon ng pandemya ay wala pa ring pagkakaisa ang mga Pilipino/Filipino/Pinoy tungkol sa usapin ng wika. Itanong mo sa mga akademista at akademonyo, sila-sila nagpapatayugan at nagpapatalbugan lang ng kung ano-anong teorya at pangangatwiran, at the end of the day, nada.

Mula sa panahon ni Pangulong Manuel Luis Quezon, noong 1935 ay sumibol na ang mithiing magkaroon ng isang pambansang wika sa buong bansa. Noong 1946, sa pamamagitan ng Batas Komonwelt Bilang 570 ay naiproklama na ang pambansang wika ay Pilipino, na actually ay wikang Tagalog na sinasalita ng Imperial Manila at mga karatig na lalawigan – Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. At dahil sa mass media – television, sine, diyaryong tabloid – ay lumaganap ang wikang Pilipino/Tagalog sa Kabisayaan at Mindanao – Cebu, Catarman, Catubig. Gamay, Davao city, Panabo, Mawab, Gen. Santos city, Sultan Kudarat hanggang Aparri at Jolo.

Noong 1973, noong gintong panahon ng Marcelo ni Makoy, kuruin mo yan, upang isaalang-alang ang iba pang mga katutubong wika sa buong bansa ay pinalitan ang Pilipino at ginawang Filipino. Sa bisa ng Saligang Batas ng 1987 ay opisyal na idineklarang mga wikang pambansa ang Filipino at Inglis. Putris, bakit Inglis? Well, malay ko, dami kasing kolonyal ang mentalidad na pa-wers-wers English pa kung magsalita na akala mo ay ipinanganak sa Land of milk and honey at sa lupain ni Shakespeare. Kumbakit, tamo ako, hanggang ngayon ay gayun din naman, paepal, pa-high profile at high society kuno na akala mo pag sumulat sa wers-wers Engfish ay nakakaangat na sa buhay, hayup yan.

Heto ako pag tumira sa kolum kong dati ay Bystander noong nagsusulat na ako sa kolehiyo ay pinalitan ko ng Tumbas Manipis pag labas ko sa kampus para tumunog masa kuno ang mga padahak ko. Pero huwag ka, pag kinukubabawan ng pagkamakata kuno ay dumadale ng paganitong, ahem, poem:

Tumbas Manipis: Self-definition

Surely it has not been the first time

nor will it be for me

the last.



Just the other day

somebody asked of me

and a few others like

they have no way of knowing any better

why and how I was branded this way

like the most natural thing

it has come to be.



Dear friend: How best describe a pinch

of sand in the beach? A trickle

of a tear that gets mixed into the wine?

A wisp of smoke wafted into your sad, dry eyes?



That’s how like a puzzle it has begun

this term of endearment

that has grown with me

in quiet fidelity.



Mga ganun, simple lang pero rock, warak. At pag kinukubabawan pa ng kababawan at kabaliwan, courtesy of beleaguered DOH Secretary Duque, ay nagpapailandang sa pesteng Pesbuk ng paganire naman na ewan kung ito’y dagli o anong genre:

Uso pala talaga ngayon iyong katagang warak.

Eksampol: Warakin mo na ang puso ko, wag naman pati pustiso.

Winarak mo na ang lahat sa akin, pati ba saging ni Pacing?

Miss, warak na ba ang pagtingin u sa akin?

At heto maantak:

Winarak nyo ang pagkatao ko

Winarak nyo ang dangal ko,

Winarak-warak nyo COA, mga Delawan, mga Leftists na makabayan at makibaka, mga warakuwentang yawa kamo diha!



Mga ganyan ang tayp kung sulatin talaga at nakakadismaya na ang paksa, pucha, tungkol sa politika ng bayan kong sawi, sa panahon ng tokhang at pandemya, sa panahon ng ambiguity at uncertainty, ng kill kill kill at build build build. (Mga ganyan tipo ang ilalaman ng niluluto kong book na ang grand title ay, take this: Pastilan, bes: Mga Pesteng Tala ng Aking Letseng Pagsinta.)

Pero syempre, anong magagawa ng gaya ko, a mere word cruncher kuno, crunching pedantry on politics, other national local political mischief and nincompoopery and such inevitabilities that life is made of, like my very puny life depended on it.

Pastilan, bes. Kape?



More about Tumbas Manipis

Tumbas Manipis

Political virus, and some aside

a week ago

Tumbas Manipis

Political virus

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.