Bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala at pagsulong ng Transparency and Accountability sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes, tinanghal ang lungsod bilang top performer sa patimpalak ng 2023 National Subaybayani Awards.
Ito’y iginawad ng Department of Interior and Local Government sa lungsod ng Tanauan sa isinagawang 2023 National Subaybayani Awards ceremony kamakailan.
Personal itong tinanggap ni DILG-Tanauan City CCLGO Ms. Charlotte Flor S. Quiza sa Sequoia Hotel Manila Bay, Parañaque City noong Nobyembre 16, 2023.
Maliban dito, mayroon pang isang gantimpalang natanggap ang Tanauan City na may kinalaman sa transparency at accountable governance.
Ito ay ang 2023 SUBAYBAYANI SPECIAL AWARD para sa "matino, mahusay at maaasahang serbisyo" na simbolo ng dedikasyon sa pagsulong ng mga adbokasiyang may kinalaman sa Transparent and Accountable Governance, partikular na rito ang mga locally-funded projects sa Lungsod ng Tanauan.
“Ang prestihiyong parangal na ito ay sagisag ng tapat na pamamalakad, dedikasyon at maigting na pagtutulungan para sa magandang kinabukasan ng Lungsod ng Tanauan,” wika ni Mayor Collantes.
Ang lungsod ng Tanauan ay isa sa apat (4) siyudad ng lalawigan ng Batangas. Ang iba pa ay Sto Tomas City, Lipa City at Batangas City.
Maliban sa apat na lungsod, mayroon ding 30 na bayan anng Batangas.
#OpinYonBatangas #TanauanCity #SonnyCollantes #SubaybayaniAwards #DILG #OpinYon #WeTakeAStand