School Building ng Paaralang Sentral ng Talaga, Tanauan pinasinayaan
OpinYon Batangas

School Building ng Paaralang Sentral ng Talaga, Tanauan pinasinayaan

Jan 15, 2024, 2:19 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

TANAUAN City – Pinasinayaan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes nitong Miyerkules (10 Jan 2024) ang bagong school building ng Paaralang Sentral ng Talaga.

Si Mayor Collantes din ang naguna sa matagumpay na blessing and turn over ng bagong school building para sa Paaralang Sentral ng Talaga sa nabanggit na araw.


Ang bagong school building ay dalawang palapag na mayroong anim (6) na classrooms.


Ito ay isa lamang sa ilan pang school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ng alkalde sa pamamagitan ng Special Education Fund kaisa ang tanggapan ni Congresswoman Maitet Collantes na patuloy na sumusuporta sa sektor ng Edukasyon at layong mabigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.


Samantala, kabilang rin sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay ang pamunuan at kawani ng Paaralang Sentral ng Talaga sa pangunguna ni Mr. Rodel G. Bejarin, Sangguniang Barangay ng Talaga sa pamumuno ni Kap. Rico Talagsad at School Division Superintendent Ms. Lourdes Bermudez CESO VI.

#OpinYonBatangas #Tanauan #MaitetCollantes #SonnyCollantes #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.