STO TOMAS City -- Arestado ng Batangas Police Provincial Office ang isang tinaguriang Most Wanted Person (Regional Level) sa kasong rape at Acts of Lasciviousness (R.A 7610) nitong Lunes (15 Jan 2024) sa San Juan, Batangas.
Ayon sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director, Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON, Regional Director, Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang akusado na si Angelito Suaverdez Orantia Jr, 43 taong gulang.
Ang suspect ay may asawa, isang karpintero na tubong Infanta Quezon at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Escribano, San Juan, Batangas.
Ayon sa pulisya, bandang 10:00 ng umaga ng maaresto si Orantia sa kanyang tirahan ng mga operatiba ng San Juan MPS (lead unit) kasama ang RID 4A RIT Batangas, 403rd AMC RMFB 4A, 1st BPMFC, RIU 4A PIT Batangas at Batangas Marpsta SOU 3 sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas noong Enero 9, 2024.
Matatandaan na nangyari umano ang panggagahasa noong Oktubre 9, 2022 habang ang biktima ay natutulog sa kanilang bahay at ang suspek na noon ay pinaniniwalaang nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Samantala, kasalukuyang nakakulong sa nasabing istasyon ng pulisya ang akusado at walang inirekomendang piyansa para sa krimen ng panggagahasa at may piyansang P 180,000 para sa 2 Counts ng Acts of Lasciviousness kaugnay ng R.A 7610.
“Ang tagumpay ng Batangas PPO laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan,” wika ni Pcol Belmonte.
#OpinYonBatangas #MostWanted #Rape #OpinYon #WeTakeAStand

