Alinsunod sa layunin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maisulong ang Economic Development sa pamamagitan ng Community Based Monitoring System, sinimulan na ng lungsod ng Tanauan ang pagpupulong ng Tanauan City CBMS Coordinating Board sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang mga department managers at mga kawani ng PSA-Batangas.
Tinalakay rito ni PSA-Batangas Statistical Specialist Ms. Maria Ramirez ang 2024 Integrated CBMS, Legal Bases nito, Data Privacy and Confidentiality of Information, Roles and Responsibilities of CBMS Members at Possible Assistance for the CBMS Operations.
Bukod dito, inilatag rin ang 2024 CBMS Timetable Activities kung saan target itong matapos sa darating na Disyembre hanggang Enero ng taong 2025.
Layon din ng Community Based Monitoring System na ito na alamin ang kasalukuyang estado ng pamumuhay ng mga Tanaueño sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon ng bawat household at bawat household member na maaaring magagamit ng lokal na pamahalaan bilang gabay sa paggawa ng mga programa at polisiya na makakatulong sa nasasakupan nito.
Sektor ng edukasyon
Samantala, upang patuloy na palakasin ang sektor ng edukasyon sa Lungsod, pormal na pinulong din ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ni DepEd Tayo - DepEd Tanauan City SDS Dr. Lourdes Bermudez ang bagong talagang Assistant Schools Division Superintendent ng dibisyon na si Dr. John Carlo Paita.
Kabilang sa tinalakay rito ang iba't ibang programa na kasalukuyang ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan katuwang ang DepEd Tanauan City upang masigurong dekalidad ang edukasyon para sa bawat kabataang Tanauaeño.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Dr. Paita ang kaniyang bukas na pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagsusulong ng Tibay Tanaw Program ng DepEd Tanauan City alinsunod sa MATATAG Agenda ng DepEd Philippines.
---
Caption: Mayor Sonny Perez Collantes (gitna) kasama ang mga kawani ng City Government of Tanauan
#OpinYonBatangas #PSA #DepEd #SonnyCollantes #Tanauan #OpinYon #WeTakeAStand