BATANGAS CITY — Inaprubahan ng City Development Council (CDC) ng pamahalaang lungsod na ito ang P2,993,250,000 Supplemental Annual Investment Program (AIP) No. 1 para sa taong 2024 sa idinaos na full council meeting nito noong Lunes, April 8.
Ang CDC ay pinangungunahan ni Mayor Beverley Dimacuha.
Ang AIP ay may tatlong sektor: general public services; social services, at economic services.
May pinakamalaking estimated budget ang social services na umabot sa P2,103,500,000 na nakalaan para mga programs, projects at activities (PPA) na tinukoy ng Department of Education sa pamamagitan ng Local School Board, education services sa Colegio ng Lungsod ng Batangas, health services ng City Health Office, social welfare services, at disaster risk reduction services.
Ang economic services sector ay may nakalaang P772,750,000 para sa mga PPAs ng engineering services, environment services, at infrastructure development programs.
Umabot naman sa P117 million ang pondong inilaan para sa general public services na gagamitin sa executive services at local development programs.
Para Sa Mga Bagong Proyekto
Ipinaliwanag ni City Planning and Development Coordinator (CPDC) at CDC head secretariat Gigi Godoy na ang halagang nabanggit ay hindi ang eksaktong budget, sa halip ito ay gagamiting basehan sa paggawa ng supplemental budget 2024.
Sinabi rin niya na nakapaloob sa supplemental AIP ang mga karagdagang PPAs na hindi napabilang sa AIP 2024 na inaprubahan noong Agosto 2023.
Ito ay dahil sa mga bagong mandato na ibinababa ng national government, mga kailangang requirements, mga proyektong hindi naisa-alang-alang ng dating pamunuan ng barangay at iba pang kadahilanan.
'Child-Friendly' Award
Samantala, sa naturang pagtitipon din ay pagkakaloob kay Dimacuha ng 2022 Seal of Child Friendly Local Governance Award na iginawad ng Departments of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Interior and Local Governments (DILG) sa Region IV-A na naka-base sa Batangas City.
Nagbigay naman ng updates, announcements at advisories ang DILG sa pamamamgitan ni City Director Esther Dator habang iniulat ng Co-Chairperson ng Batangas City People’s Council (BCPC) na si Engr. Francisco Tegon ang mga proyekto at naging gawain ng BCPC.
Attract More Investors
Bukod sa karagdagang paliwanag ukol sa AIP, hinikayat ni Rep. Marvey Mariño ng lone district ng Batangas City, na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng mga komunidad para patuloy na maka-engganyo ng mga investors sa lungsod.
Ibinalita rin niya na naitalaga siya, bilang miyembro ng Commission on Appointments, na binubuo ng 12 senador at 12 miyembro ng House of Representatives.
Nakiisa din sa CDC Full Council meeting ang Chairperson ng Committee on Appropriations ng Sangguniang Panglungsod na si Coun. Karlos Buted, City Administrator Engr. Sonny Godoy at Atty. RD Dimacuha, Secretary to the Mayor.
Dumalo dito ang mga Punong Barangay, kinatawan mula CSOs, national government agencies, city department heads at city employees.
#WeTakeAStand #OpinYon #CDC