Mandanas, naimbitahang guest speaker ng PhALGA sa CDO
OpinYon Batangas

Mandanas, naimbitahang guest speaker ng PhALGA sa CDO

Mar 15, 2024, 7:28 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

Isa si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa mga naimbitahang guest speakers sa ginanap na Mindanao Geographical Conference o pagtitipon ng mga miyembro ng Philippine Association of Local Government Accountants, Inc. (PhALGA) noong Huwebes (29 Feb 2024) sa Cagayan De Oro City.

Sang-ayon sa temang "Promoting Fiscal Discipline in Local Governance," naging pangunahing paksa na tinalakay ni Governor Mandanas ang hatid na benepisyo ng #MandanasRuling tungo sa pagpapaunlad ng mga barangay sa bansa.


Naging kaisa ng gobernador sa nasabing pagtitipon sina Provincial Accountant Marites Castillo, Accounting Office Assistant Department Head Gloria Rabano, Provincial Budget Officer Victoria Culiat, Provincial Public Order and Safety Department Head, Atty. Genaro Cabral, at Provincial Internal Auditor, Atty. JR Macasaet.

Samantala, matapos ang naging pagdalo ni Governor Mandanas sa conference, nagkaroon din siya ng pagkakataon upang makapanayam ang ilang mga opisyal ng Rizome, ang leading maker at manufacturer ng eco-friendly bamboo building materials sa Pilipinas.

Personal na nasaksihan ng gobernador ang proseso ng paggamit ng bamboo o kawayan bilang isang sustainable alternative sa paggawa ng timber at iba pang mga construction materials.

Nakadaupang-palad din ni Governor Mandanas sa kaniyang pagtungo sa Cagayan De Oro City si Senator Nancy Binay.

#WeTakeAStand #OpinYon #BatangasGovernorMandanas #MindanaoGeographicalConference



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.