Mandanas Dumalo Sa LPU Cook Fest
OpinYon Batangas

Mandanas Dumalo Sa LPU Cook Fest

May 9, 2024, 5:05 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

Dumalo si Gob. Hermilando Mandanas sa ginanap na kompetisyon ng "Batangas Kulinarya" na ginanap noong Huwebes, April 25, sa Lyceum of the Philippines University (LPU)-Main Campus sa Batangas City.

Ang aktibidad ay isang pagpapakita ng pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pagdiriwang ng Filipino Food Month o Buwan ng Kalutong Filipino.


Sa pangunguna ni Dr. Katrin Erika Buted, Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO), kasama sa aktibidad ang Exhibition of Excellence ng LPU - Batangas College of International Tourism and Hospitality Management bilang isa sa mga pangunahing katuwang ng PTCAO.


Katuwang ang Kabataan

Ang temang "Kalutong Filipino, Lakas ng Kabataang Makabago" ang naging sentro ng cook fest. Itinampok ang pamosong Goto at Kapeng Barako ng Batangas.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mandanas ang halaga ng mayamang culinary heritage ng lalawigan.


Dumalo rin sa aktibidad si Batangas Tourism Council President Sonny Lozano, mga kinatawan ng Department of Tourism IV-A na sina Gina Velasco at Janneth Regio, kasama ang iba pang opisyal ng LPU Batangas.


Mga Nagwagi

Ang mga nagwagi sa mga kategorya ng patimpalak ay:

Kapeng Barako Student Category: 1st place - Zhara B. Reyes, kasunod sina Rachel Lie Atienza at Samuel Javier Arriesgado.

Kapeng Barako Professional Category: 1st place - Dale Darwin T. De Villa, sinundan nina Clydelle Anne Ofianga at Odison F. Bautista.


Gotong Batangas, Student: 1st place - John Martin Carenan at Kien Cyron Betonia ng University of Batangas, sinundan nina Charles Jordan Huerto at Raymarie De Villa ng Lemery Colleges, at Sara Catibog at John Russel Atienza

Gotong Batangas, Professional: 1st place - Michael Llena at Roby Lontoc ng Aquatico Beach Resort, sinundan nina Franley Sañez at Dexter Macalalad ng Acuaverde Beach Resort and Hotel, at Jerlyn Kaye Custodio at Daryl Javier ng Laiya Coast Grove Resorts.

#WeTakeAStand #OpinYon #LPUCookFest #PTCAO


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.