Konseho ng Batangas City nagbigay pugay kay Gat Jose Rizal
OpinYon Batangas

Konseho ng Batangas City nagbigay pugay kay Gat Jose Rizal

Jan 8, 2024, 1:39 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

STO TOMAS City -- Binigyang pugay ng mga myembro ng Sangguniang Panglungsod ang pambansang bayaning si Gat. Dr. Jose Rizal bago magsimula ang regular na sesyon ng konseho ngayong bagong Taon partikular na noong Miyerkules (January 3).

Isa-isang nagbigay ang mga konsehal ng kanilang pahayag hinggil sa malaking epekto ni Rizal sa kasaysayan ng bansa at pinasalamatan ang hindi matatawarang kontribusyon nito sa pakikibaka upang makamit ang kalayaan.


Nauna rito, pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rizal noong December 30 bilang paggunita sa 127th death anniversary ng Pambansang Bayani.

Nakiisa din dito ang mga City Councilors, City Government Department Heads, DepEd Batangas City, Batangas City PNP, BFP, BJMP, mga kinatawan mula Saint Bridget College, Knights of Rizal at iba pa.

Ang seremonya ay taunang isinasagawa ng lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon ni Gat Jose Rizal sa bansa. (PIO Batangas City)

#OpinYonBatangas #BatangasCity #JoseRizal #BeverleyDimacuha#OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.