Kamalayan sa proseso ng kasong  pambata, tinutukan sa STC
OpinYon Batangas

Kamalayan sa proseso ng kasong pambata, tinutukan sa STC

Nov 21, 2023, 12:00 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

Kaugnay ng selebrasyon ng ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ปโ€™๐˜€ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ ay isinagawa ang ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ ๐—”๐—ฏ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ: ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฅ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป ๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ na may temang โ€œHealthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all!โ€ na inorganisa ng Local Council for the Protection of Children sa pangunguna ni Sto. Tomas City (STC) Mayor Arth Jhun Aguilar Marasigan.

Kaagapay sa naturang programa ang City Social Welfare and Development Office, City of Sto. Tomas Schools Division Office, at Sto. Tomas City Police Station nang ganapin ito noong Huwebes, Nobyembre 9.


Layunin ng programang ito na i-educate ang mga magulang, caregivers, at ang mga miyembro ng komunidad sa pang-aabuso sa bata o karahasan laban sa mga bata sa iba't ibang sitwasyon.


Nagsilbing resource speaker si PSSg Babylyn Ulitin (Chief, FJGAD PNCO Sto. Tomas, CPS) patungkol sa RA 7610 โ€œSpecial Protection of Children Against Child Abuseโ€; si PSSg Mary Joyce Robles (Chief, WCPD Sto. Tomas CPS) tungkol sa RA 8353 โ€œAnti-rape Lawโ€; at si RSW Mari Rose Mandocdoc-Cedo tungkol naman sa paghawak sa mga kaso ng pang-aabuso sa bata.


Ang seminar ay dinaluhan ng mga presidente at miyembro ng School Parent-Teacher Association (SPTA), Ms. Lourdes M. Pulanco at Atty. Kristian Ian Dale C. Datinguinoo ng City of Sto. Tomas Schools Division Office.



Bughaw and Pasko ng mga Tomasino

Samantala, isinagawa na ng lungsod Sto Tomas ang pinakahihintay na Christmas Lighting Ceremony (CLC) noong Miyerkules (15 November 2023) sa Malvar Park, Barangay Poblacion 1.


Ibayong paghahanda ang isinagawa ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, kaagapay sila Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod bago pa naganap ang CLC.


Ang mga hindi makakapanood ng personal ay matutunghayan pa rin nila ito dahil mapapanood diumano ang mga inihandang programa gaya ng fireworks displays, at performances sa ating official city page at https://www.facebook.com/AJAMaksyonbilis .

#OpinYonBatangas #STC #NationalChildren'sMonth #ChildAbusePreventionProrgam #StoTomas #ArthJhunAguilarMarasigan #CSWDO #Christmas #OpinYon #WeTakeAStand



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

ยฉ 2024 OpinYon News. All rights reserved.