Gov. Mandanas ang Man of the Year   Ng Asia Leaders Awards 2023
OpinYon Batangas

Gov. Mandanas ang Man of the Year Ng Asia Leaders Awards 2023

Dec 4, 2023, 12:58 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

Pinarangalan si Batangas Governor Hermilando I. Mandanas bilang Man of the Year (MOY) sa ginanap na Asia Leaders Awards 2023 sa Manila Hotel, Lungsod ng Maynila kagabi, ika-20 ng Nobyembre 2023.

Binigyang pagkilala si Gov. Mandanas sa larangan ng local governance, kung saan ipinamalas nito ang kanyang husay, galing at sipag sa pamamalakad at pamumuno ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.


Sa kanyang administrasyon, patuloy ang naging pag-unlad at pagsulong ng ekonomiya ng lalawigan, at maayos na nalampasan at naitaguyod ang kapakanan ng mga Batangueño, sa harap ng mga pagsubok na dala ng pagputok ng Bulkang Taal at pandemyang dulot ng COVID-19.


Batangas Vice Mayor Ronin Leviste


Tinanghal namang Young Leader of the Year si Lian, Batangas Vice Mayor Ronin Leviste.


Sinaksihan ang pagtanggap ng award ng punong lalawigan nina Vice Governor Mark Leviste, Chief of Staff Abel Bejasa, Sangguniang Panlalawigan Board Members, at mga department heads ng Kapitolyo.


Magugunitang si Gov. Mandanas din ang siyang nanguna sa pagsusulong ng makasaysayang Mandanas Ruling noong mambabatas pa siya noong 2018.


Layon nito na maresolba ang hindi pantay-pantay na paghahati ng pinansiyal na yaman sa mga lokal na yunit ng pamahalaan (LGU), pagpapabuti sa kakayahan ng mga LGU, at pagsusulong ng transparency at accountability ay mahalaga sa pagpapabuti ng desentralisasyon.


Nagsimula ang bansa sa pagsasakatuparan ng Mandanas Ruling noong 2022, na naglalayong taasan ang bahagi ng kita mula sa buwis ng pambansang pamahalaan na naipapasa sa mga lokal na pamahalaan.


Bilang bunga ng Mandanas Ruling ng Korte Suprema noong 2018 (na kinumpirma noong 2019), ang Internal Revenue Allotment (IRA) ay itinakda na tataas ng 55 porsiyento sa badyet ng 2022, na aabot sa Php1.08 trilyon o 4.8 porsiyento ng gross domestic product (GDP) ng bansa kumpara sa 3.5 porsiyento ng GDP noong 2021.

#OpinYonBatangas #HermilandoMandanas #ManOfTheYear #AsiaLeadersAwards #Batangas #RoninLeviste #YoungLeaderOfTheYear #MandanasRuling #OpinYon #WeTakeAStand



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.