GAD Ordinances ng Tanauan mas pinalawig sa pamamagitan ng Info Caravans
OpinYon Batangas

GAD Ordinances ng Tanauan mas pinalawig sa pamamagitan ng Info Caravans

Nov 28, 2023, 2:38 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

TANAUAN City – Naging epektibong kinatawan ni Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes ang kanyang anak at Third Congressional District Chief of Staff Atty. King Collantes katuwang ang Gender and Development Office (GAD) sa pagpapatuloy ng Information Caravan tungkol importansya ng Gender and Development Ordinances.

Maliban sa pagpapaliwag tungkol sa mga karapatan ng mamamayan sa GAD, ipinamahagi rin ni Atty Collantes katuwang ang ilang GAD personnel ang GAD Ordinances Manual para sa residente ng Barangay Balele.


Layun ng programang ito ay upang mabigyan ng kaukulang kaalaman ang mamamayan pagdating sa implementasyon ng City Ordinance No. 2022-21 o ang pag-amyenda sa Gender and Development Code ng Lungsod ng Tanauan at City Ordinance 2023-01 o ang ordinansa patungkol sa Children Welfare and Development Code ng Lungsod.


Maliban pa rito, namahagi rin ng groceries ang lokal na pamahalaan bilang suporta sa bawat pamilyang Tanaueño na bahagi ng inisyatibo ni Mayor Sonny Collantes na matugunan ang kanilang pangangailangan.


Barangay Banadero


Sa Barangay Banadero naman, personal ding ipinaabot ni TWCC President Atty. Cristine Collantes katuwang ang GAD Tanauan City ang Gender and Development Manuals at groceries para sa mga kababayan natin sa Brgy. Bañadero.


Bukod dito, malugod ding naipaliwag ni Atty. Christine Collantes ang nilalaman ng at kahalagahan ng City Ordinance No. 2022-21 o ang pag-amyenda sa Gender and Development Code ng Lungsod ng Tanauan at City Ordinance 2023-01 o ang ordinansa patungkol sa Children Welfare and Development Code (CWDC) ng Lungsod.


Ang dalawang barangay ng lungsod ay ilan lamang sa iniikutan ng dalawang abogadong magkapatid upang lubos na maunawaan ng mga Tanaueno ang nilalaman ng revised city ordinance ng CWDC.


Ang lungsod ng Tanauan ay may kabuuang 48 barangays.

PHOTOCAPTION: Atty. King Collantes

#OpinYonBatangas #GAD #SonnyCollantes #KingCollantes #GenderAndDevelopment #ChristineCollantes #OpinYon #WeTakeAStand



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.