DOLE Kabuhayan Package, ibinigay
OpinYon Batangas

DOLE Kabuhayan Package, ibinigay

Jan 8, 2024, 1:41 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

STO TOMAS City – Anim na magulang ng child laborers sa lungsod na ito ang nakatanggap ng Kabuhayan Package mula sa Department of Labor and Employment-Region 4A Batangas Provincial Office sa ilalim ng Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) ng DOLE.

Naging katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng Sto Tomas City (STC) sa turnover ng naturang Kabuhayan Package nitong nakalipas lamang na Disyembre 29, 2023.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay nag-ikot ang DOLE-PESO sa buong lungsod upang hanapin ang mga batang manggagawa o child laborers.


Sila ay na-profile, minonitor at base sa kanilang pangangailangan ay hinandugan sila ng DOLE ng pagsisimulang kabuhayan na akma sa kanilang kakayahan.


Si City Administrator Engr. Severino M. Medalla ang naging kinatawan ni Mayor ang mensahe ng Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan, na nagpapaabot ng pasasalamat sa ahensya ng DOLE para sa tulong.


Hinikayat din niya ang mga magulang na pagyamanin ang kanilang KP para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.


Ipinaliwanag din sa mga magulang ang mga lokal na programa ng pamahalaan kontra child labor gaya ng scholarship, educational assistance, summer job employment, livelihood at skills training na may layuning tulungan silang alisin sa kalagayang maagang pagta-trabaho, makabalik sa pag-aaral at tuluyang makapagtapos.


CAPTION: Nasa larawan ang mga recipients ng Kabuhayan Package kasama ang ilang kawani ng City Hall ng Sto Tomas sa pangunguna nina CIO chief Ms Olyn Guevarra (3rd from left) at City Admin Severino Medalla (4th from left).

#OpinYonBatangas #DOLE #KabuhayanPackage #PESO #StoTomas #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.