Batangas Provincial Women's Coordinating  Council 4th Q meeting idinaos sa Tanauan
OpinYon Batangas

Batangas Provincial Women's Coordinating Council 4th Q meeting idinaos sa Tanauan

Nov 20, 2023, 1:40 AM
OpBats/IAm

OpBats/IAm

Writer

Bilang paghahanda sa paparating na 18-Day Campaign on Violence Against Women and Children ngayong taon, sama-samang tinalakay ang iba't ibang aktibidad at programa para rito nina Provincial Women's Coordinating Council (PWCC) Vice President Atty. Cristine Collantes kasama ang mga Board of Directors nito sa pangunguna ni PWCC President Agoncillo Mayor Cindy Reyes.

Kabilang sa mga ibinahagi sa pagpupulong ay ang inihandang week-long celebration ng Gender and Development (GAD) Tanauan at Tanauan City Women's Coordinating Council para sa mga kababaihan at kabataan tulad ng 1st GAD Summit, libreng Self-defense Training, Eduk-Sine sa mga paaralan, Musika para sa Adbokasiya, Awarding of Most Notable GAD Effort in Barangay at Culminating Activity.


Bukod dito, inilatag din ang nakatakdang Provincial Celebration ng 18-Day Campaign on VAWC sa darating na ika-28 ng Nobyembre kung saan bahagi rin nito ang pagpapaliwanag ng "Guidelines on the Operationalization of the Barangay VAW Desk."


Tinalakay rin ng PWCC ang "Policy Guidelines of Assistance to Projects of Women's Organization" na layong bigyang-gabay ang mga miyembro ng nasabing organisasyon sa paghahatid ng kaukulang tulong sa bawat samahang kababaihan sa buong Lalawigan ng Batangas, gayundin ang pagbuo at implementasyon ng mga naturang programa.


Nakibahagi rin sina Congresswoman Ma. Theresa "Maitet" V. Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes sa naturang aktibidad sa pamamagitan ng pagpapaabot ng suporta para sa PWCC.


Samantala, sinimulan na at kasado na ang Sagip Pamilya Community Housing Project General Assembly at Orientation.


Alinsunod sa mandato ni Mayor Collantes na makapaghatid ng disenteng tirahan para sa mga Tanaueño, isinagawa na ang General Assembly at Orientation para sa mga Tanaueñong kasalukuyang nakatira sa disaster-prone areas at nagnanais na mag-avail ng nasabing low-cost housing project.


Naging katuwang sa naturang aktibidad na ito ang Housing and Resettlement Office na kabahagi ng pamahalaang lungsod sa isinasagawang assessment at pagproseso ng mga kinakailangang dokumento upang maisakatuparan ang proyekto.


Ang Sagip Pamilya Community ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na mapanatiling ligtas ang mga mamamayang nakatira sa disaster-prone areas sa pamamagitan ng relokasyon.


Dagdag pa rito, ito rin ang kauna-unahang bayan sa buong Lalawigan ng Batangas na nakatakdang benepisyaryo ng Pambansang Pabahay Para Sa Mga Pilipino Program ni Presidente Bongbong Marcos.


PHOTO CAPTION: Makikita sa larawan ang mga kinatawan ng PWCC kasama sina Tanauan Mayor Sonny Collantes (pang-apat mula kanan) at 3rd District Congw. Maitet Collantes (dulong kanan)

#OpinYonBatangas #VAWC #ViolenceAgainstWomenAndChildren #PWCC #CristineCollantes #CindyReyes #GenderAndDevelopment #GAD #TheresaCollantes #SonnyCollantes #SagipPamilyaCommunityHousingProject #OpinYon #WeTakeAStand



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.