ALAMIN: 'Bombay soup' ng Quezon
Food and Lifestyle

ALAMIN: 'Bombay soup' ng Quezon

Feb 23, 2024, 6:15 AM
Jeanelle Abaricia

Jeanelle Abaricia

Writer

Nakatikim ka na ba ng "bombay soup"?

Ito ay isang sabaw na katulad ng batchoy kung saan ang mga pangunahing sangkap ay niluluto sa isang lagayan ng dahon ng saging.


Ang pangalan ng naturang putahe ay hinango sa pagkakabalot ng dahon ng saging na tila kahawig ng turban na ginagamit ng mga Indian.



Ngunit taliwas sa pangalan, hindi mga "bumbay" ang nakaimbento ng naturang sopas; ito ay purong imbensyon ng mga Quezonin.


Pangunahing sangkap nito ay atay at baga ng baboy na giniling, bawang, sibuyas, luya, oregano at itlog.



Kung hindi pa kayo pamilyar dito, ginigisa muna rito ang mga nabanggit na sangkap kasama ang giniling na baga at panghuli ang itlog tsaka ito papatayin ang apoy.


Ilalagay na ito sa dahon ng saging at itatali na parang Indian turban at tsaka ito pakukuluan sa tubig na may asin at mga pampalasa ng 15 hanggang 30 minuto.


Ayon sa mga Quezonin, mas sumasarap raw ang bombay soup kapag ipinapares sa lambanog.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.