Last week, Senator Alan Peter Cayetano made a bold (and to me, reckless) proposal: to hold snap elections in view of growing public anger over the widespread corruption not only in flood-control projects but, it seems, in the very fabric of government itself.
Constitutionalists and advocates for good reform have blasted Cayetano’s proposal, saying that snap elections will only distract the people from the clamor against corruption.
In my view, Cayetano’s proposal reeks of personal and political preservation.
Hindi natin maitatanggi na kailangan nang palitan ang sistema – isang sistema, isang way of life, na iilan lamang ang nakikinabang habang lahat tayo ay ibinabaon.
Pero ang “snap elections” ay isang pagbabago na hindi lamang pansamantala, kundi makasarili.
Ngayong sukang-suka na ang mga mamamayan sa lantaran, hayagan at walang kahihiyang paglulustay sa perang pinaghirapan nila, nais ng mga traditional politician na manatili pa sa pwesto – at lumabas pang bayani at martir.
Kung gusto talaga natin ng snap elections, sige – pero sa ilang kondisyon.
Una, walang incumbent na tatakbo sa nasabing halalan. Lahat, bagong mukha, bagong tao.
Ikalawa, walang kilalang tao o bahagi ng “political dynasty” ang dapat tumakbo.
Mga karaniwang mamamayan naman dapat ang mabigyan ng pagkakataon: mga ordinaryong propesyonal, mga intelektwal, mga karaniwang mamamayan na nakikita natin lagi sa pagsusumite ng certificate of candidacy na handang bumangga sa mga may pera at may impluwensiya dahil may paninindigan, may nais gawin para sa kapwa Pilipino.
Ikatlo, hindi dapat mahaluan ng pera ang pagpili ng kandidato. Hindi dapat tumanggap ang mga kandidato ng campaign funds mula sa mga naghaharing-uri.
Alam kong tiyak na tatanggihan ng maraming mga pulitiko ang nasabing kondisyon – for obvious reasons.
Hindi ito makatutulong para mapanatili sila sa poder at maipagpatuloy ang pagsipsip sa dugo ng taumbayan.
Pero hindi ba gusto ninyo ng “clean slate?”
Eto na nga, clean slate – ang mamamayan mismo ang pipili, ang mamamayan mismo ang kikilos, dahil ang mamamayan mismo ang makikinabang.
Pansinin ninyo: sa Bangladesh noong 2023, matapos ang madugong rebolusyon na nagpatalsik sa gobyerno ni dating Prime Minister Sheikh Hasina, walang piniling pulitiko na mamahala ng “caretaker government.”
Sa halip, ang pinili ay si Mohammad Yunus, isang Nobel Prize laureate na nagtatag ng Grameen Bank upang mapalaya ang mga ordinaryong mamamayan mula sa pagka-alipin sa utang.
Yan ang “clean slate” na dapat nating tularan kung nais natin ng isang lipunan na malaya mula sa katiwalian. Hindi “snap election” na ang tanging pakay lamang ay palalain ang kapit ng mga naghaharing pamilya at manatili (at lumala) pa ang pagkabusabos nating mga Pilipino.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #UnCommonSense