The Philippines, experts have warned over and over and over again, is a disaster-prone country.
We’re on the path of typhoons and weather disturbances, on the “Pacific Ring of Fire” with its vulnerabilities to earthquakes and volcanic eruptions. Not to mention that climate change is expected to cause even more extreme weather disturbances than what we had prepared and expected in the past.
Which is why, for a man with (increasingly un)common sense like me, all these blather by self-proclaimed psychics and “manghuhulas” online no longer hold any water for me.
Kung papansinin natin, halos lahat ng mga sinasabi ng mga “psychic,” “manghuhula” at “feng shui expert” lalo na tuwing Bagong Taon ay pawang mga “given” na. May mamamatay na artista o pulitiko. Lilindol. Babagyo. May sasabog na bulkan. May puputok na giyera. May aksidenteng mangyayari. Magiging magulo ang taon na ito para sa pulitika, sa ekonomiya, sa kultura.
E lahat naman ng mga “prediction” na iyan ay nangyayari na taon-taon! Hindi na nga ako nagugulat sa takbo ng ating pulitika at ekonomiya sa panahon ngayon. In fact, ni hindi na natin kailangan ng mga manghuhula para ma-predict ang magiging kalagayan ng ating bansa sa hinaharap.
Ang kailangan natin ay ang pag-aralan ang mga nangyari sa nakaraan at, higit sa lahat, i-apply ang mga aral na makukuha natin sa hinaharap. You don’t need to have someone with the gift of foresight to understand what will happen in the future, especially if WE DON’T ACT to prevent that bleak future from happening again.
Here are some words (often quoted and misquoted) from the Spanish writer and philosopher George Santanaya to push that idea in: “Progress, far from consisting in change, depends on retentiveness. When change is absolute there remains no being to improve and no direction is set for possible improvement: and when experience is not retained, as among savages, infancy is perpetual. Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.”
Iyan ang problema, sa tingin ko. Sa sobrang pagkahumaling na natin sa mga “manghuhula,” na sa palagay ko ay parte na rin ng ating pagkahumaling sa mga pamahiin, ay nakakalimutan na natin na tayo at tayo lamang ang maaaring makakapagpabago ng ating kapalaran bilang isang mamamayan at bilang isang bansa.
The future of ourselves and our nation do not depend on “cosmic forces,” “negative energies” or “divine intervention.” Come to think of it, pati yung sinasabing “acts of God” e ginagawa nang excuse para makatakas ang ating mga opisyal sa kanilang pananagutan tuwing may kalamidad.
Let me repeat: tayo at tayo lamang ang may kapangyarihang baguhin ang hinaharap natin. That is, kung gusto talaga nating baguhin ang sistema para sa atin at sa mga susunod na salinlahi.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonColumn #UnCommonSense
