“Pasko na nga ba talaga?”
That’s one question I find myself asking these past few weeks as we all enter into the month of December.
And it’s not just because, despite Pagasa’s declaration that the northeastern monsoon or “amihan” season has officially started, temperatures still feel like mid-July or August (a welcome relief from the hell of summer, but still hot enough to be uncomfortable).
Filipinos, as they say, have the longest celebration of Christmas ever. It starts during September and ends at the Feast of the Epiphany on January 6 – or as long as people still feel disinclined to dismantle their Christmas decors.
But now, I have a feeling that the usual Christmas spirit that had marked our celebrations before the COVID-19 pandemic seems to be missing altogether.
Pansinin ninyo: ilang mga kabahayan ngayon ang naglalagay na ng mga pailaw, parol at Christmas decors sa kani-kanilang mga harapan? (Not counting, of course, the large shopping malls and other establishments that still strive to bring up that Christmas cheer, even if only to boost their sales.)
Even though radio and television stations still try to lift up that holiday spirit through playing Christmas songs, I feel like our celebrations has become, on the whole, mechanical. Parang ang Pasko ay isa na lamang okasyon – gaya ng birthday o binyag o kasal – na gusto nating matapos agad. You know, konting Christmas party, konting salu-salo kasama ang pamilya at kaibigan, tapos balik na sa normal na pamumuhay.
Sa tingin ko, naging “muted” o medyo tahimik na ang selebrasyon natin ng Pasko hindi lang dahil sa naging epekto ng pandemya.
I mean, hindi lang dahil marami sa atin noon ang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pagsasara ng maraming mga negosyo, o nawalan ng mahal sa buhay dahil sa Covid-19, kundi dahil lahat tayo ay nabalot noon ng pangamba sa ating hinaharap. With all the anxiety and tension and sadness that Covid-19 has brought us, is there any point in celebrating?
Pero ngayong natapos na ang pandemya at bumalik na ang sigla ng ating lokal na ekonomiya, sa palagay ko ay may mas malalim na dahilan kung bakit hindi na natin ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon gaya ng dati.
Ito ba kaya ay dahil sa patuloy na nararanasan nating mga hamon sa ating ekonomiya, sa ating pulitika, sa pinaka-kinabukasan ng ating bansa at ng ating mundo?
Ito ba kaya ay dahil sa sobrang komersalisasyon na ng Pasko na itinuturing na natin ang okasyong ito hindi bilang isang biyaya kundi isang pasanin, lalo na sa mga taong hanggang ngayon ay nahihirapan pa ring bumangon sa mga hamon ng buhay?
Ito ba kaya ay dahil marami sa atin ang hindi na nakakaunawa sa pinaka-essence ng pagdiriwang natin ng Pasko at Bagong Taon – ang milagro ng panibagong pagkakataon na ibinigay (at patuloy na ibinibigay) ng Panginoon sa atin upang maging mas mabuting tao para sa Kanya at para sa ating kapwa?
I believe that the moment we lose touch of what Christmas and New Year should be about – hope, reconciliation and renewal – we will lose touch of our human essence. Yung pagiging tao (at makatao) natin, nawawala na. At kung tuluyang mawala ang pagiging makatao natin, ano pa ang kinabukasang maibibigay natin sa susunod na salinlahi?
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonColumn #ColumnbyJamesVeloso #UnCommonSense