Tanong: Sa isang bansang maingay ang politika, bakit ang pinili ay katahimikan, ang hindi pagbukas ng kahon? Sagot: Dahil minsan, ang katahimikan ay hindi pag-iwas kundi pag-iingat. Ang kahon ay hindi walang laman; ito ay punô ng posibilidad at panganib.
Tanong: Duwag ba ang hindi pagbukas sa sealed green box mula sa BIR kung saan na kalagay ang ITR ng Vice President at ng kanyang asawa, isang pribadong citizen?
Sagot: Hindi kaduwagan kundi to ay dunong. Dahil ang bawat hakbang ay sinusukat sa ilalim ng 1987 Constitution of the Philippines, ito ang pag-iingat na bahagi ng katapangan.
Tanong: Ano ang tunay na papel ng Kamara sa impeachment?
Sagot: Hindi ito hukuman. Hindi ito ang magpapasya ng kasalanan. Ito ay pintuan lamang....tagasuri kung may sapat na dahilan para magpatuloy sa paglilitis.
Tanong: Kung gayon, mali bang buksan ang kahon?
Sagot: Tanungin natin: kapag binuksan at sinuri ang laman nang detalyado, hindi ba’t para mo na ring inunahan ang Senado? Hindi ba ito nagiging “paglilitis bago ang paglilitis”?
Tanong: Ano ang prinsipyo sa likod nito?
Sagot: Hindi lahat ng kaya mong gawin ay dapat mong gawin. Ang kapangyarihan ay hindi lisensya; ito ay responsibilidad.
Tanong: Paano naman ang karapatan ng mga taong sangkot?
Sagot: Ang mga dokumento ay hindi lang papel. Ito ay buhay, reputasyon, at dignidad. Kung mali ang paraan ng pagbubukas, hindi ba’t nalalabag ang tiwala at karapatan?
Tanong: May batas bang sumusuporta sa pag-iingat na ito?
Sagot: Oo. Ang National Internal Revenue Code of the Philippines ay nagtatakda ng tamang proseso at tamang pagkakataon. Kung nilabag ito, kahit mabuti ang layunin, mali pa rin ang landas.
Tanong: Ngunit hindi ba’t maaaring gamitin ang “pag-iingat” bilang dahilan ng pagkaantala?
Sagot: Iyan ang mas mabigat na tanong. Kailan nagiging taktika ang pag-iwas? Kailan nagiging maskara ng takot ang legalidad?
Tanong: Ano ang dapat itanong sa mga lider?
Sagot: Ito po....ang pag-iwas ba ay para protektahan ang batas....o para protektahan ang sarili?
Tanong: Sa huli, ano ang laban ng impeachment?
Sagot: Hindi lamang ito laban ng ebidensya. Ito ay laban ng integridad ng proseso. Ang Kamara ang simula, ang Senado ang huhusga, ngunit ang taumbayan ang magtatakda ng tunay na kahulugan ng katarungan.
Tanong: Ano ang kahulugan ng saradong kahon?
Sagot: Hindi ito pagtatapos. Isa itong paalala: maaaring sarado ang kahon, ngunit dapat bukas ang konsensya.
Tanong: Ano ang huling aral?
Sagot: Hindi sapat ang pagiging legal. Kailangan ding maging makatarungan. Sapagkat ang batas na walang hustisya ay papel lamang....at ang hustisya na walang tapang ay tanong na walang sagot.
Abangan ang susunod na kabanata sa impeachment drama.....
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #MarchanismManifesto

