Voters ID na naman, paging DILG Sec Benhur Abalos
iTalk

Voter’s ID na naman, paging DILG Sec Benhur Abalos!

Feb 7, 2024, 12:32 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Napakahalaga pala ng voter’s identification card para sa isang mamamayan hindi lamang sa aktuwal na gamit nito (pagboto) kundi lalo na sa paghingi ng kaukulang financial/medical assistance kapag ikaw ay naospital.

Ngunit, datapwat, por que, bakit ganire!?


Kung ikaw ba ay nakatira sa isang komunidad ngunit hindi pa registered voter sa isang lugar hindi ka kwalipikado sa mga benepisyo dine?


Yesp (yes/yep)!


At napatunayan namin ito kamakailan lamang nang dumaan sa total hysterectomy na operasyon ang aking panganay na anak.


Sinubukan lumapit ng tulong ang kanyang asawa sa opisina ni Congw Maitet Collantes, rejected; sinubukan rin nito ang opisina ng health assistance ng Sto Tomas City, ganun din rejected.


Ano ang dahilan?


“Sorry po, No. 1 requirement po talaga ay voter’s ID ng recipient,” ‘yan ang magkaparehong natanggap na tugon nila mula sa dalawang opisina.


Mabuti na lamang malaki-laki ang nahingi nilang financial assistance sa PhilHealth, DSWD, at PCSO kung kaya’t natapyasan ng malaki ang kanilang hospital bill na halos umabot sa P200K.


Naging malaking tulong din ang mga kamag-anakan na nagpa-abot ng financial help sa online (God knows who you are, and where you are. Mula sa kaibuturan ng aming mga puso, maraming salamat po!)


Ngunit ang hindi lubos-maisip ng lahat ay bakit ginawa ng mga local government units at local officials ang VOTER’S ID na isang mahigpit na requirement!


Hindi ba sapat nang pruweba na ikaw ay isang lehitimong mamamayan ng iyong komonidad kung saan nakakapagbigay ka rin naman ng tulong pang-ekonomiko sa pamamagitan ng indirect taxes sa mga bagay-bagay na iyong binibili kung saan ka nakatira sa araw-araw?


Noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic ay napilitan ang DILG na maglabas ng posisyon nito ukol sa pagbibigay ng medical assistance ng mga LGU.


“Voter's ID (is) not required to access LGU services: DILG,” yan mismo ang titulo ng sinulat ni Priam Nepomuceno ng PNA na halaw sa kanyang panayam noon sa isang DILG executive sa gitna ng maraming reklamo ukol sa naturang issue.


Heto pa ang sinabi ng DILG:


“The Department of the Interior and Local Government (DILG) on Friday (24 Sept 2021) reminded local government units (LGUs) that a voter’s identification (ID) card is neither a requirement to avail of essential services, such as medical services and financial assistance nor is it needed to register for the coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination program.


"It is not and will never be a requirement set by the national government nor the DILG,” wika pa ni dating DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya noong 2021.


Isa lang ang ating masasabi ngayon: Dapat balikan ng DILG ang mga LGU ngayon ukol dito!


Kasi papaano na ang mga taong lalong nangangailangan ng kaunting tulong pinansyal sa mga LGU nila?


Paging DILG Sec Benhur Abalos!

#iTalk #IsmaelAmigo #VotersID #DILG #BenhurAbalos #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.