Tuloy ang laban ng PMCJ kontra LNG
iTalk

Tuloy ang laban ng PMCJ kontra LNG

Sep 27, 2023, 2:37 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

No retreat, no surrender. Tuloy ang laban.

Ito ang sambit ni Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) Senior Energy Officer Larry Pascua kamakailan nang atin po siya makapanayam para sana sa isang followup report hinggil sa kanilang ipinaglalaban na hustisyang pangkalikasan para sa mga komunidad na naninirahan sa Batangas City na malapit sa LNG source.


Marami na diumano ang nagkaroon ng respiratory diseases dahil sa exposure ang ilang residente mula sa limang (5) barangay na malapit sa LNG wells kung kaya’t humihingi ng tulong ang naturang NGO sa DOH, DENR, at DOE na maglunsad ng impartial investigations on the climate issue at gumawa ng karampatang hakbangin.


Maliban sa mga nabanggit na local government agencies, humingi rin diumano ang PMCJ ng international support.


“Patuloy ang sign-on namin for international support, also may ongoing health impact assessment na ginagawa ang medical network sa Batangas,” kwento ni Larry.


“Nag-request din kami ng dialogue with DOH. Hopefully, within the month ay may schedule na.”


Ayon pa kay Larry, nagsampa rin ang PMCJ ng pormal na reklamo sa DENR at DOE laban sa LNG.


Ilan sa mga kompanya na nagpo-produce ng LNG sa Batangas ay:

Batangas Clean Energy; Batangas LNG; Blackstone Group; ENEX Energy; Gen X Energy, at Philippines LNG


Ang First Gen ay kasalukuyan din umanong nagtatayo ng kanilang Batangas FSRU-based LNG import terminal at target nitong ilunsad ngayong taon.


Kamakailan ay sinikap ng inyo pong lingkod na kunin sana ang pahayag sa naturang issue at nagtungo tayo sa City Health Office ng BC ngunit nagkataon na “may meeting po sa labas so Dok.”


Nag-iwan din po tayo ng calling card ngunit magpahanggang ngayon ay ni-text wala pa po tayong natatangap.


Better luck next time.


***

Congrats to Cong. Ralph, Mayor Eric

Bago po magkalimutan, nais po nating iparating ang ating malugod na pagbati sa dalawa nating ka-Batang na sina Cong Ralph Recto at Lipa City Mayor Eric Africa sa kanilang nakalap na Top 3 spots sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) “Boses ng Bayan” nationwide survey na ginanap kamakailan.


Isa po itong malaking karangalan para po sa buong lalawigan ng Batangas.


Narito ang ulat: Mayor Eric Africa secured the third position with an average rating of 89.72 percent, alongside Jonas Cortes of Mandaue (89.71 percent), Indy Oaminal of Ozamis (89.32 percent), Ipe Remollo of Dumaguete (88.94 percent), Samsam Gullas of Talisay (88.93 percent), Bambol Tolentino of Tagaytay (88.85 percent), and Ahong Chan of Lapu-Lapu (88.78 percent).


On the other hand, Congressman Ralph Recto also achieved the third spot in the House with a performance rating of 91.83 percent, alongside notable lawmakers Jay-jay Suarez of Quezon (92.16 percent), Joey Salceda of Albay (91.69 percent), Mannix Dalipe of Zamboanga City (91.34 percent), and Gloria Arroyo of Pampanga with a score of 91.32 percent.


Hinirang naman na top mayors sina Joy Belmonte of Quezon City (95.73 percent), at Eric Singson ng Candon City (94.86 percent), kasunod sina Art Robes of San Jose del Monte (91.67 percent), Benjamin Magalong ng Baguio (90.91 percent), at Nikko Mercado ng Maasin (90.88 percent).


Sa House naman, nanguna sina Speaker Martin Romualdez (95.32 percent), Sandro Marcos ng Ilocos Norte (94.81 percent), Kristine Singson ng Ilocos Sur (94.57 percent), at Duke Frasco ng Cebu (94.55 percent).


Ang pumangalawa ay sina Toby Tiangco ng Navotas (93.83 percent), PJ Garcia ng Cebu (93.75 percent), Camille Villar ng Las Pinas (93.64 percent), Chiquiting Sagarbarria ng Negros Oriental (93.59 percent), Stella Quimbo ng Marikina (93.56 percent), Marivic Co-Pilar ng Quezon City (93.22 percent), Oca Malapitan ng Caloocan (93.14 percent), at Jolo Revilla of Cavite (92.75 percent).

Kinalap ang survey mula June 25 hanggang July 5, 2023.

#iTalk #IsmaelAmigo #TuloyAngLabanNgPMCJKontraLNG #PMCJ #LNG #DOH #DENR #DOE #RalphRecto #EricAfrica #RPMD #OpinYon


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.