The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

TSINELAS

(Ikalawang Bahagi)

Jul 14, 2021, 12:30 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

DUMATING ang takdang panahon ng pagtutuos nang bumalik si Al sa kanila. Dala ang bagong kasanayan sa self- defense ay hinanap nya ang mga dating nangbully sa kanya at dito ay binigyan nya ng matinding aral ang mga ito.

Hindi pa buo ang kanyang paghihiganti dahil hindi pa nya nakakaharap ang lalaking nagwalanghiya sa tinda ng nanay nya. Hinanap nya ito at nakita na lasing sa kanto at dito ay sunod sunod na suntok at sipa ang kanyang pinakawalan sa taong kay tagal nyang hinintay na mapaghigantihan. Duguan at basag ang mukha, tumakbo papalayo ang taong nang- api sa kanila. Dito ay nakadama ng saya sa sarili si Al at sinabing

"...ah, sa wakas!"


Pagkalipas ng konting panahon ay bumalik na sa Maynila si Al upang ipagpatuloy ang pagtupad ng mga mumunting pangarap. Nagtrabaho sya bilang conductor sa bus na bumabyahe ng Alabang at Fairview. Araw at gabi naglalakbay sa EDSA ang kanilang bus na minsan ay nakikita nya kung paano ang ginagawa ng mga mandurukot sa bus at ibang mga kriminal sa kalsada.

Pinagbuti ni Al ang trabaho kaya makalipas ang ilang taon na pagiging conductor ay naging inspector na sya.
Kinuha ni Al ang kanyang mga kamag- anak para makapagtrabaho sa kanilang bus company at dito ay unti- unti nang lumalaki ang kanyang kita hanggang sa sya ay makapag-asawa at magkaroon ng anak.

Sa hindi maipaliwanag na daloy ng kapalaran ay naging agent sya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan ay nakalaban ng kanyang team ang mga kidnappers, carnappers, drug syndicate at iba pang miyembro ng ng organized crime. Bumilib sa kanya ang kanyang handler dahil sa murang edad pa lamang ay buo na ang kanyang loob na nakikipagbarilan sa mga kriminal.
 
Pagkalipas ng ilang panahon sa CIDG ay nalipat sya sa PDEA at dito ay muli nyang ipinakita ang galit nya sa mga sindikato ng droga dahil alam nyang maraming buhay ang sinisira ng mga ito.


More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

a day ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

a week ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tuyong Dahon

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.