The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Tsinelas

Sep 8, 2021, 1:10 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

IPINANGANAK na mahirap at sa musmos na kaisipan ay bumuo ng isang pangarap. Siya si Boyong na lumaking ang kinamulatan ay kahirapan. Konting kanin lang o pandesal sa umaga o bulanglang na gulay sa tanghalian at kung suswertehin ay may malutong na pritong tuyo pa. Ganito nagsimula ang kwento ng buhay ng ating bida sa Istoryang Masa. Anupa at nagpatuloy na umikot ang buhay ni Boyong sa kinamulatang kahirapan.

Minsan, isang hapon ay narinig niya ang boses ng kanyang Nanay. "Boyong, halika, may pasalubong ako sa 'yo,halika,” ang tila masayang tinig mula sa labas ng kanilang bahay. Nay, anong pasalubong mo, ang tanong ni Boyong na nanabik makita kung ano ang pasalubong ng kanyang mahal na ina.

"Heto, anak, ibinili kita ng bagong Tsenilas," ang wika ng kanyang Nanay.Ganun na lang ang kanyang kaligayahan dahil matagal nang butas ang kanyang tsinelas. Sa wakas, nasa isip ni Boyong, makakapagsuot siya ng bago at walang butas na tsinelas sa pagpasok sa iskul.


Minsan, habang naglalakad siya pauwi ng bahay, natanong niya sa kanyang sarili, wala na kaya akong pag-asang makapagsuot ng sapatos na tulad ng kanyang ibang kamag-aral na bukod sa may tsinelas na ay may sapatos pa. Nasa ganun siyang pagmumunimuni nang bigla siyang makarinig ng tinig. "Boyong, yong tsinelas ko, linisin mo at ilagay sa itaas ha!"


Laking gulat ni Boyong dahil sa kanyang paglalakad na nasa hangin ang kanyang isip ay di niya namamalayan na nakarating na siya sa kanilang barong-barong.Bago pumasok ay hinubad ni Boyong ang kanyang bagong tsinelas, hinugasan at tiniyak na malinis ito saka inilagay sa kanyang tabihan.


"Iingatan mo yang tsinelas mo na yan ha, dahil hindi ko alam kung kelan na naman ako makakabili nyan. Pag tumama sa jueteng ang Tatay mo, ibibili kita agad para may reserba ka, pero hanggat walang pambili ay doble ingat ka dyan sa tsinelas mo. Wag susuutin yan sa paglalaro dahil baka masira ay yan lang ang tanging susuutin sa iskul mo," ang paalala ng kanyang Nanay.

Minsan, kumakain ng tanghalian sina Boyong kasabay ang iba pa niyang mga kapatid, at laking tuwa nya nang makita nya na pritong isda ang katuwang sa bulanglang na lutong ulam ng kanyang Nanay. Sa wakas ay makakatikim naman ng iba-iba, ang nasabi sa sarili ni Boyong.

Sinimulan nang bahagihin ng kanyang magkakapatid ang isda equally, at masarap na kumain ang magkakapatid. Palibhasa si Boyong ay medyo masarap kumain ay naunang maubos ang kapirasong isda para sa kanya.

Dito ay nasiglawan nya na malaki-laki pa ang pristong isda ng kanyang kapatid ay agad niya itong sinipat at akmang babawasan ang ulam ng kanyang kapatid.

"Boyooooonnng!" sabay palo ng walis sa kanyang braso ng kanyang Nanay.


"Binigyan ko na kayo ng inyo-inyong kabahaging ulam kaya hindi nyo dapat bawasan ang ulam ng iyong kapatid dahil makakalamang ka sa kanya. Huwag mo ng uulitin yan ha!” ang babala ng kanyang istirikto ngunit mapagmahal na ina.

Lumatay sa kanyang pagkatao ang aral na natutunan ng pangyayaring yon kaya tiniyak na nya sa kanyang sarili na di niya ito gagawin habang ilang araw na masakit ang kanyang braso dahil sa pagkapapalo ng walis ng kanyang Nanay.


Madaling lumipas ang panahon, hindi pa man nakakatapos ng high school ay pumunta na si Boyong sa Maynila para magtrabaho dahil inisip niya na kapag hindi siya umalis sa kanilang lugar ay hindi niya makikita ang iba pang oportunidad na pwedeng magpabago sa takbo ng kanyang buhay.

Kasama niya sa paglalakbay ng kanyang karera ng buhay ay ang tsinelas na binili ng kanyang ina na habang siya ay nagpapaalam ay niyakap siya nito nang mahigpit at sinabing, “Mag- iingat ka anak, ayaw kong mapalayo ka ngunit ayaw kong maging handlang sa iyong mga pangarap at nawa ay magtagumpay ka".

Ang mga salitang ito mula sa malamyos na tinig ng kanyang ina ay nagbigay ng inspirasyon para sa kanya.
(May Karugtong)


More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

2 days ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tuyong Dahon

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.