The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Tsinelas

(Unang Bahagi)

Jul 7, 2021, 12:25 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

Nakatingala ako sa langit habang pinagmamasdan ko ang mga bituin at ang dumadaang eroplano na kumikislapkislap ang ilaw sa taas. Hindi ko makita ang aking paligid sa pusikit ng karimlan dahil napapaligiran ng mga malalaking puno at mga damo ang aming barung- barong. Ang ibig sabihin ay limitado sa taas ang aking nakikitang pag- asa sa tulad kong inianak na mahirap.

Dito nagsimula ang kwento ng buhay ni Al, hindi nya tunay na pangalan ng aking makawentuhan nang minsang kami ay nagkita sa sangang daan ng buhay.
Ayon kay Al, naranasan nila ang apihin at i- bully ng kanilang kabitbahay nang mamatay ang kanyang Tatay. Dahil sya ay maliit pa at walang kakayanan para ipagtanggol ang kanyang sarili at ang kanyang Nanay na nagtitinda ng kakanin sa tabi ng kalsada ay hinahayaan nyang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata. Sana,nandito ang Tatay ko para magtanggol sa amin nang ang isang lasing na tagaroon sa kanilang barangay ay inihian ang paninda ng Nanay nya na dahilan upang mawalan sila ng pag- asang makakain ng araw na 'yon sabay nyang sinabi sa sarili na...

"paglaki ko, hindi ako papayag na apihin nyo kami".


Suot ang tsenilas na butas sa may bahaging hulihan ng kanyang mga paa na minsan ay nakakaranas syang matinik ng maliliit na bato sa kalsada ay nagpatuloy sya sa kanyang paglalakbay.


Mabilis na lumipas ang panahon habang sya ay nag- aaral sa public school ng kanilang barangay ay naranasan nya ang pangbubully ng mas malalaking tambay sa kanilang school ngunit di pa rin nya mabuo ang tapang sa dibdib na kailangan para lumaban.
Dahil sa kawalan ng sapat na pamasahe at baon para makakain sa tamang oras ay minabuti ni Al na sumama sa kanyang kakilala upang magtrabaho sa Maynila. Dito ay naglako sya ng pandesal at magbalot ng tinapay sa pinasukang panaderya. Madaling araw pa lamang ay naglalakad na si Al upang makarami ng benta ng pandesal para kumita ng konting perang kailangan nyang maipon at makapagpadala sa kanyang Nanay na nasa probinsya.


Minsan at naglalakad si Al habang sumisigaw ng "pandesal, pandesal, bili na kayo dyan," ay kanyang nasiglawan ang isang billboard na may nakasulat na TAEKWONDO.

Ito ay nasa 2nd floor ng building na lagi nyang dinadaanan habang naglalako ng pandesal. Naisip ni Al na kung matuto siya ng martial arts ay maipagtatanggol na nya ang kanyang sarili.

Bitbit ang determinasyon na matuto ng Taekwondo ay pinagsabay nya ang pagtitinda ng tinapay at pag- aaral ng martial arts. Habang nasa proseso si Al ng pagpapatibay ng kanyang katawan ay may kahulugan ang kanyang mga suntok at sipa sa hangin. Dito ay sinasariwa ni Al ang mga mukha ng mga taong nang- aapi at nangbu- bully sa kanila. Higit syang nag- focus sa mukha ng taong lasing na umihi sa paninda ng nanay nya. Ah... gusto kong makapaghiganti ang wika ni Al sa sarili kasabay ng pagbitiw ng malakas na suntok sa hangin.

(May Karugtong)



More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

6 days ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tuyong Dahon

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.