The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

The perfect storm

Oct 13, 2021, 12:26 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

NAGSIMULA sa isang banal na misa at nag-alay ng panalangin para sa mga Quezonin, sinundan ito ng almusal sa isang resort sa Lungsod ng Lucena. Dito ay di na magkamayaw ang mga tagasuporta ng bawat kasama ni Congresswoman Helen Tan. Animo ay mga rock stars silang lahat na isinisigaw ang kanilang mga pangalan,ngunit ang pinakabida sa lahat, walang iba kundi ang Dokrora ng Bayan, Dra. Helen Tan na lalabang gobernador sa lalawigan ng Quezon.

Dumating na ang sandali na ipapakilala ng Doktora ng Bayan ang kanyang mga kasamahan na animo isang perfect storm ang dumating ng sandaling 'yon.

Ang kanyang ka-tandem na si Konsehal Anacleto "Third" Alcala para bise gobernador ay mula sa angkan ng mga iginagalang na lingkod ng bayan.

Konsistent syang number 1 sa pagiging City Councilor sa loob ng 3 termino. Isang iskolar ng bayan at kinakitaan ng kanyang galing sa pagsusulong ng mga ordinansa sa konseho at ang pagiging masayahin na dahilan upang kagiliwan ng mga nasa laylayan. Si 3rd Alcala sa mga kaibigan at sa mga Lucenahin ay pamangkin nina dating DA Secretary Proceso "Procy" Alcala at ni dating Congressman Vicente "Kulit" Alcala ng 2nd District.

Patunay ito na nagkakaisa ang pamilya ng Alcala para suportahan si Congw. Helen Tan.

Sunod na ipinakilala sa mga nanduroon at sa media ay si Congressman Mark Enverga ng Unang Distrito na naging mentor ni Doktora Helen Tan ng una syang sumabak sa mga gawain sa Kamara. Ayon kay Enverga, hindi dapat pabayaan ang agri sektor at turismo. Kilalang magaling na mambabatas at Chairman ng Committee on Agriculture at anak ng dating gobernador na si Willie Enverga ay paulit- ulit na nahalal bilang kinatawan ng Unang Distriro ng lalawigan. Kaya ang kanyang suporta kay Congw.Tan sa pagka-gobernador ay nagdagdag ng malaking tsansa upang tiyakin na makukuha ang botong kinakailangan sa unang distrito ng kongresista.

Nasupresa ang lahat ng ipakilala ni Doktora ang first timer na Board Member ng Ikatlong Distrito na si Reynan Arogancia, na lalaban silang congressman.

Inaasahang ang matagumpay na negosyante ang magpapabago sa political equation sa Bondoc Peninsula na dominado ng pamilyang Suarez sa halos 30. Taglay ni Bokal Arogancia ang karakter ng isang bagong lider na may kakayanan, katapatan at marunong tumanaw ng utang na loob sa taong bayan, at naniniwala sa Serbisyong Tunay At Natural.

Sa isa pang bahagi ng pagpapakilala ay binigkas ni Congw.Tan ang mga pangalan ng iba pang mga kasamahan ng magiging kasama nya sa pagsusulong ng STAN sa bawat distrito tulad nila BM Sony Ubana, Derick Magbuhos, Rudy Orfanel, Emmerson Sio, Jerry Talaga, Harold Butardo,Vinnette Alcala, at mga opisyal ng Sanguniang Panlalawigan na sina BM Romano Talaga, BM Ireneo "Boyong" Boongaling na kapwa lalabang mayor.

Samantala, sa pagpa-file ng kanyang candidacy sa Provincial Comelec Office ay sinalubong sina Congw. Helen Tan ng kanyang mga taga- suporta. Isinigaw ang kanyang pangalan at dito ay nagpadama ang kanyang mga taga- suporta ng taos pusong pagnanais na siya na ang susunod na magiging gobernador ng Quezon.

Tulad sa isang perfect storm ay tila isang daluyong ang lakas ng diwa ng pagkakaisa ng kanyang mga tagahanga at matiyak na ang pangarap ni Helen Tan para sa maunlad at malusog na lalawigan ay sama-samang matutupad sa darating na halalan.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.