iTalk by Ismael Amigo
iTalk

‘Thank you San Miguel’

Feb 17, 2022, 12:32 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Ano pa nga ba ang masasabi mo kung ikaw ang mayor ng isang local government unit ng kagaya ng Balayan, Batangas kundi malutong at matunog na “Thank You San Miguel!”

At bakit?

Magtatayo lang naman ang San Miguel Corporation (SMC) ng magarang P50-million sports center sa munisipyong ito na sikat din o pamoso sa Bagoong Balayan dahil sa dami ng isdang nahuhuli sa coastal municipality na ito.

Pakay ng SMC ang maka-develop ng homegrown athletes na maisasabak ng bansa sa local at international sports competitions maliban sa nais din nitong pagibayuhin ang kalusugan at kaayusan ng pangangatawan ng mga Batangueño.

Matapos ang pormal na proklamasyon ng proyekto ni SMC President and Chief Operating Officer Ramon S. Ang sa bagong Balayan municipal building, dineklara naman ng punongbayan ng Balayan na si Mayor Emmanuel Salvador Fronda II bilang adopted son ng bayan si RSA.

Para sa kaalaman ng lahat, galing din lamang si RSA sa pamilyang sakto lang – hindi mahirap, hindi rin gaanong mayaman – ngunit nagsikap mag-aral at nagtapos ng kolehiyo at nakakuha ng diploma sa kursong mechanical engineering sa isang unibersidad na sakto rin lang, Far Eastern University.

And the rest, ‘ika nga is history, dahil itinuturing si RSA ngayon na isa sa mga haligi sa corporate world ng bansa ngunit ang kanyang pagiging matulungin sa bayan gaya ng bilyong halaga ng ayudang pinakawalan ng SMC sa buong pandemya ay mula sa kanyang pusong maka-Pilipino.

Ito rin ang bigay sa kanya ng ideya upang bigyan ng pagtutok ang kalusugan ng publiko sa mga susunod pang mga taon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng sports center pati na rin sports development.

“We hope to get more Balayan residents involved in sports,” wika ni RSA.

Nabanggit din nito na maraming mga sikat na atleta ang galing sa lalawigan ng Batangas gaya nina Barangay Ginebra Gin Kings player LA Tenorio ng Nasugbo at dating Ateneo volleyball star na si Alyssa Valdez ng San Juan, Batangas.

Sabi naman ni Balayan Mayor Emmanuel Salvador Fronda II:

“Mr. Ang has been extending enormous support to the various socio-economic development projects of the local government, which address social challenges and champion environmental stewardship, community and enterprise development, education, health, disaster management, and volunteerism, for the benefit and well-being of Balayenos.”

Ayon naman kay RSA, itinuturing niyang second home ang Balayan dahil aniya marami rito ay itinuturing niyang ka-pamilya.

“That is why I will always try to do my part to help the town develop and progress,” ‘ika pa niya.

Puspusan ang pagtulong at pagpatayo ng SMC ng mga proyektong may kinalaman sa palakasan.

Kamakailan lamang ang SMC ay nakatapos ng bagong sports facility nito sa Pasig, na tinatawag na SMC Sports Complex, upang magamit na practice venue ng Philippine Basketball Association (PBA) teams nito na gaya ng San Miguel Beermen, Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings, at Magnolia Hotshots Pambansang Manok.

Good job SMC!

Sana lang mabiyayaan din ang iba pang LGU ng kawangis ng sports facility na itatayo sa Balayan.

Email ismaelamigo@yahoo.com .


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.