iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Tanauan Mayor Sweet Halili tuloy na sa Kongreso

Nov 25, 2021, 12:20 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

“OH, that’s Sweet!”

Ito ang nasambit ng mga Batangueñong nakatira sa District 3 ng probinsya kung saan itinuloy ni Tanauan Mayor Angeline “Sweet” Halili (MASH) ang dating planong pagtakbo niya bilang kongresista.

Kadahilanan umano nito ay ang walang sawang pamimilit ng kanyang sangkaterbang supporter pati na ang mga mayor,mga konsehal, at mga barangay captain mula sa iba’t-ibang lungsod at bayan ng D3.

Ang District 3 ay kinabibilangan ng sandosenang LGU partikular na ang (1) Agoncillo, (2) Alitagtag, (3) Balete, (4) Cuenca, (5) Laurel, (6) Malvar, (7) Mataas Na Kahoy, (8) San Nicolas, (9) Santa Teresita, (10) Santo Tomas, (11) Talisay, (12) Tanauan.

Magugunitang madamdaming inanunsyo dati ni Tanauan City Mayor Sweet Halili na hindi na siya tutuloy ngunit dahil sa kapakanan ng mas nakakaraming taong nangangailangan ng kanyang tulong ay pinaunlakan niya diumano ang kanilang kahilingan.

Ito’y naganap sa pamamagitan ng substitution noong nakalipas na November 15, huling araw na tinakda ng Comelec sa substitution ng mga kandidato.

Ang kanyang nakatatandang kapatid na si Mark Anthony Halili ay siya namang umaasang papalit sa kanyang puwesto bilang mayor ng lungsod.

Ayon sa kampo ni Mayor Sweet, ito ang tamang panahon upang iahon ang Distrito sa pamamagitan ng darating na halalan sa May 9, 2022.

Ayon pa sa tiyuhin ni Mayor Sweet, isa pang rason kung bakit itinuloy ng alkalde ang laban niya sa pagka-kongresista ay dahil aniya sa walang puknat na paninirang ginagawa ng kampo ng kanyang makakalaban na itinuring niya noon na malapit na kaibigan ng pamilyang Halili.

Sa kanyang mensahe sa media, inilabas ni Mayor Sweet ang kanyang iba’t-ibang “programs for the district especially for the poor Batanguenos which she believes left uncared for by the Collantes clan.”

Idinagdag pa ng kolumnistang tiyuhin ni Mayor Angeline “Sweet” Halili (MASH) na anya pa ay “this is the right time for a true congressman/representative to do the right thing under the district area of jurisdiction”.

“This is the time for cities and towns in the district to really feel the pouring of infrastructure projects and other programs that will again revive the economy and uplift the quality of life of the citizens, especially the poor sector of the community,” diin pa niya.

So ‘yun na po. You be the judge people of District 3.


More about iTalk

iTalk by Ismael Amigo

Bakit tumigil na ang PHO sa pagmonitor ng Covid Cases?

3 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.