Takot at hinagpis ng pamilya Camilon; salisi gang strikes
iTalk

Takot at hinagpis ng pamilya Camilon; salisi gang strikes

Jan 31, 2024, 12:30 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Hindi po abogado ang inyo pong lingkod ngunit hindi ko lubos maisip kung bakit biglang pinalaya ng Philippine National Police ang prime suspect sa missing beauty queen na si Catherine Camilon.

Ang PNP rin ang siyang nagsabi na may kasong kidnapping na isinampa laban kay dating Bauan, Batangas chief of police na si Maj Allan de Castro na siyang itinuturing ng kapulisan na prime suspect sa kaso.


Malaking palaisipan ito kung bakit ito biglang pinalaya ng PNP na siya ring nagsabi na prime suspect si de Castro.


Ang dahilan nito ayon kay PNP chief Benjamin Tacorda Jr ay dahil wala na raw kasi ito sa serbisyo bilang miyembro ng pulisya kaya pinakawalan.


Huh?


Ipinaliwag pa ni Tacorda na ang dahilan niyan (pagkasibak) ay walang kinalaman sa kaso ng nawawalang beauty queen na isa ring national high school teacher ng English sa kanilang lugar sa Tuy, Batangas.


Ang dahilan umano kung bakit tinanggal si de Castro sa PNP ay sa kadahilanang nabuking o na-establish diumano ng PNP na mayroong “illicit affair” na namamagitan sa nawawalang biktima at ang dating hepe na may asawa.


Labag daw ito sa moralidad ng PNP. May ganun na pala ngayon sa PNP ng ganire. Mabuti naman.


Ang ipinagtataka lang natin dito mga otaw ay may kasong kidnapping na kinakaharap si de Castro na mismong PNP rin ang nagsampa ayon sa mga balita.


Mga tao, ‘wag po tayong aneng. Ang primary element umano sa kasong kidnapping ay ang “actual confinement or restraint of the victim, or the deprivation of his/her liberty.”


Kung walang katawan ng biktima, ay nangangahulugang walang kaso. Baka rin namalikmata rin lang ang mga witnesses na nakakita diumano sa duguang Catherine na inilipat sa isang kotse noong gabi ng Oct 12, 2023.


Kung gayun naman pala ay pakawalan na rin sina Jeffrey Magpantay (driver ni de Castro) pati na rin yung dalawa pang John Does na suspect at nang sa gayun ay mangatog na lamang at himatayin sa takot ang pamilya ni Catherine Camilon hanggang sa bawiin na rin ng mga ito ang kaso laban sa mga suspek!


Whew!


Let’s all move on na rin seguro.


Tantanan na natin ito.


Bahala na si Lord.


Tanging si Magpantay, na sumuko kamakailan, na lang ang pag-asa ng pamilyang Camilon.


Sana nga “umawit” na siya.

***


Isang bangungot rin na balita ang napaulat tungkol sa isang 65-year-old overseas Filipino worker balikabayan na natangayan ng humigit kumulang na P400,000 na halaga sa mga kamay ng hinihinalang Salisi Gang sa isang paboritong resto ng mga byahero y byaheras sa lungsod ng Sto Tomas.


Nag-CR lamang diumano ang biktima at pinabantayan sa kanyang kasamahan ang kanyang bag ngunit pagbalik niya ay tumambad sa kanila ang katotohanang naglaho na parang bula ang bag na itim ng kalunos-lunos na OFW!


Nahagip naman diumano ng CCTV ang kotse ng mga suspect kung kaya’t may pag-asa pa itong papanagutin ang mga salarin.


Kung kelan ay hindi natin agad na malalaman.


Moral lesson: “Huwag ipagkakatiwala kahit kanino ang isang bagay na pupuwede namang bitbitin o dalhin dahil ang mga kawatan ay palagiang nakamasid at kukuha ng tiempo!

#iTalk #IsmaelAmigo #CatherineCamilon #SalisiGang PNP #AllanDeCastro #BenjaminTacordaJr #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.