The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

SUNTOK SA BUWAN

Jun 23, 2021, 12:00 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

NANG gawin ang batas na Bayanihan To Heal As One ay naglalayon ito na matulungan ang mga mahihirap na Pilipinong naapektuhan ng corona virus pandemic. Ang sabi ni Pangulong Duterte ay makakatanggap ng tulong ang 18 milyong pamilyang pinakamahihirap.

Kaya naman halos umawit ng halleluyah ang mga pilipinong mahihirap na nauna nang sumailalim sa Enhanced Community Quarantine ang mga lugar. Lahat ay umaasa na mapapasama sa listahan ng SAP -- Social Amilioration Program -- ang mga mamamayang malapit nang kumalam ang sikmura dahil sa gutom sapagkat nawalan ng trabaho.

May sariling pamantayan ang DSWD na ang ginamit na data ay nuon pang 2015 kaya naman ang mga mahihirap ng 2016 hanggang 2020 ay hindi napabilang sa kanilang listahan samantalang ang pangunahin sa kanila ay mga recipient ng Conditional Cash Transfer Program o 4Ps.

Lumipas ang mga araw ay naghihintay sina Maria at Juan ng ipinangakong tulong pinansyal ngunit walang dumating. Samantala ay marami naman ang nagkasakit ng COVID at namatay.

Sa wakas ay dumating na ang ayuda na kaytagal hinintay ng "poorest among the poor" ngunit parang isang bangungot sa mga naghintay nito dahil hindi pala napasama ang kanilang mga pangalan. Ayon sa DSWD ay mga single mothers, senior citizens na walang pension at kung meron man ay di dapat tataas ng dalawang libo,mga PWDs, mga buntis na walang trabaho at iba pang mahihirap na nakapasa sa krayterya sa SAP.

Dahil sa nauna ng nabigyan ang mga 4Ps ay 'yon na lamang nasa listahan ng LGUs ang bibigyan sa unang bigayan ng malutong na P8,000 at P6,500 na nagmula sa buwis ng taong bayan at perang inutang pa sa World Bank na ang pambayad ay mula rin sa mga mamamayan. Tuwang tuwa ang mga tumanggap matapos pumila nang matagal habang ang mga hindi napasama ay nagtitiim bagang.

Ah, kung pwede lang sana na lahat ay mabigyan ng perang hiram ngunit ang sabi nga ng isang pilosupo ay..."Asa ka pa, pinangakuan ka na......".

Maraming masasaya, malulungkot at karumal-dumal na kwento dahil sa SAP at isa nga dito ay ang babaeng na-curfew dahil nagpa-rebond gamit ang bahagi ng perang nakuha mula sa SAP. Meron din namang nagpakalango sa alak at agad na bumili ng droga matapos na makuha ang ayuda.

Kalaunan ay may nagsusumbong na si kapitan at si kagawad ay nadiskarte rin para makakupit sa halagang nakalaan sa mga kabarangay. Ito daw umano ay kanyang ibibigay sa mahirap din nyang kabayan...na hindi pinalad na makatanggap? "Nada!!! hindi na mabebenta kaya lumabas sa social media".


Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang aking kwento bes dahil ang dami pang daing ng ating mga kababayang naghihirap dahil sa ECQ at sa coronavirus pandemic. Ah, naiisip ko lang din kase na muling tatanggap ng ayuda ang mga nauna nang nakatanggap at marami na namang ayus ang buto-buto.

Ang pangarap ng mahirap ay "suntok sa buwan" dahil ang pangako ng gobyerno ay natupad lamang sa iilan. Ikaw bes, mahirap ka ba o naghihirap na? Huwag mo itong sasagutin dahil hahaba ang aking parabola.

(Isang kwentong parabola sa ilalim ng pangakong parang bula ni AF)#



More about The Equalizer

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

3 days ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tsinelas

a week ago

The Equalizer, Ace Fernandez

Tuyong Dahon

a month ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.