SA tulong ni Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation (SMC), ay may mga bagong bahay na matutuluyan ang mga taga-Sariaya, Quezon na naninirahan sa tabing-dagat ng Tayabas Bay.
Pinuri ni Mayor Marcelo P. Gayeta, and alkalde ng Sariaya, ang proyekto ni SMC Chairman Ang na pagpapatayo ng may 450 yunit ng pampublikong bahay sa coastal area ng Sariaya.
Ang mga bahay na ito ay para sa mga mangingisda at magsasaka na dati nang nakatira sa nasabing lugar sa Sariaya. Hindi na sila mahihirapan na magpaayos ng bahay at gumastos para rito, sapagkat ang mga nasabing bahay ay kumpleto na. Matibay ang foundation, mahusay ang bubong na yero, kongkreto ang mga importanteng bahagi nito, may toilet, kitchen, living room at bedroom. Para sa mga mahihirap na mangingisda at magsasaka, ang ganitong pabahay ay tunay na malaking tulong sa kanila.
Para ngang tumama sa sweepstakes ang mga taga-Sariaya dahil sa pilantropong si RSA. Ayon naman ay Atty. Mike Rosales, tanging ang bayan lamang ng Sariaya ang naging benepisyaryo ng ganitong kagandahang-loob ni RSA.
Masaya si Mayor Gayeta sapagkat hindi gumastos ng salapi ang kabang-bayan ng Sariaya sa pagpapatayo ng pabahay. Ang lahat ay gastos ni RSA at ng San Miguel Corp.
Si RSA ay nangunguna rin sa buong bansa at sa Metro Manila sa pagtulong sa pamahalaan upang labanan ang COVID-19 pandemic.
Tunay na ang mabubuting tao na tulad ni RSA ay pinagpapala. (RS)