The Equalizer, Ace Fernandez
The Equalizer

Serbisyong Tunay at Natural

Aug 11, 2021, 12:24 AM
Ace Fernandez

Ace Fernandez

Writer/Columnist

BIHIRA na sa panahon ngayon sa mga elected officials ang totoong magiging lingkod ng bayan. Isang neophyte sa politika si Congresswoman Helen Tan nang lumaban at manalo bilang kinatawan sa ika-4 na distrito ng lalawigan ng Quezon. Minamaliit ang kakayanan ng mga traditional politician kabilang ang pamilyang itinuring na political dynasty sa bansa at hinamak ang pagiging baguhan sa Kongreso.

Subalit hindi nagpatinag ang Doktora ng Bayan. Ginawa niyang isang hamon ang mga salitang narinig niya at dito ay nagsimula siyang gampanan ang tungkulin bilang kinatawan ng mamamayan at hindi kumakatawan sa iilan. Inilatag nya ang kanyang legislative agenda sa 17th Congress at dito ay nakapag author siya ng 24 batas. Co-author si Congresswoman Tan ng 15 batas at may 39 kabuuang bilang ng bills na naging batas.

Author din siya ng bills and resolutions na umabot sa 147, at co-author ng 217 iba pa, kaya may kabuuang 364 bills at resolutions ang nagawa ng Serbisyong Tunay at Natural ni Congw. Tan, chair ng House Committee on Health.

Ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care for all Filipinos Act ay isa sa mga itinuturing na landmark na batas sa Pilipinas dahil milyong Pilipino ang otomatikong magiging miyembro ng Philhealth partikular ang mga taong mahihirap at mga nasa laylayan. Isa pang batas na magbibigay ng hustisyang panlipunan na ang sponsor ay Committee on Health ay ang Republic Act 10932.

Dito ay mas higit pang pinalakas ang Anti-Hospital Deposit Law dahil pinataas nito ang penalty sa mga ospital at clinics na hindi tatanggap sa mga emergency patients.

Ito rin ang nag-amyenda sa Batas Pambansa 702, o ang pagbabawal sa paghingi ng deposit o advance payment bago i-confine at gamutin ang pasyente sa mga ospital o clinics, as amended by Republic Act No. 8344.Nais ni Doktora Helen Tan na pahalagahan ang edukasyon sa kabataan na siyang tutulong upang mawakasan ang kahirapan.

Nagkaroon ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education na nagbigay daan upang maging libre ang tuition sa State Universities and Colleges at iba pang local educational institutions sa bansa.

Tulad ni Doktora Helen Tan na nagmula sa isang simpleng pamilya, tumulong sa pagtitinda ng prutas sa palengke at pinilit na makatapos ng nursing sa Calayan School of Nursing sa Lucena City.

Nang lumaon, siya ay nag-aral ng medisina at naging ganap na doctor -- isang Doktora ng Bayan para sa kanyang mga kababayan. Ito pala ang magiging tuntungan niya sa pagpasok sa pulitika.


Sinimulan ni Congresswoman Tan ang paghulma ng isang paglilingkod ng isang public servant -- ginagawa nya ang kanyang trabaho ng taos sa puso at buong kababaan ng loob. Kaya naman lalo siyang kinagiliwan ng kanyang mga kababayan at hindi sila nag-atubiling ibigay ang kanilang mandato at pagtitiwala sapagkat nakita nila at nadama na iba ang.....Serbisyong Tunay At Natural.#


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.