iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Pamangkin vs Tita Mayor

Mar 24, 2022, 12:50 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Mantakin mo nga naman.

Ang kasipagan sa lahat ng bagay ay sadyang may naidudulot na magandang resulta lalo na’t may kasamang dalisay na panalangin, maayos na pakikitungo sa mga tao at tiwala din sa sarili.

Walang iba tayong tinutukoy dito kundi ang kasipagan sa lahat ng kanyang panunungkulan sa gobyerno bilang konsehal at sipag din sa pagbibigay-tulong sa mga kababayan niyang nangangailangan.

Sa ganitong dalisay, patuloy at kapita-pitagang paraang maka-masa, napansin din ng kanyang mga kinasasakupan ang sipag at tiyaga ni Ate Carla Reyes na umalagwa na ng malayo sa kanyang tiyahin sa kanilang nalalapit na desisyon ng balota sa pagka-alkalde sa isang survey.

Opo, mag-tiya po sila na naglalaban sa ngayon sa munisipyo ng Malvar dine sa ating mahal na lalawigan ng Batangas.

Ito ang ating natisod online partikular na ang pasurvey ng GOPHILIPPINES’ Mayoral Poll 2022 sa Malvar, Batangas.

Wala po tayong masamang tinapay kay Mayor Tita dahil naging maganda rin naman ang pakikisama ng kanyang opisina sa tuwing magagawi ang Opinyon Batangas sa Malvar pati na kay Atty. Rey Villegas na siyang admin at legal officer ni mayora.

Ngunit, kung titingnan po natin ang resulta ng survey ng GoPhil nitong Biyernes, Marso 18, 2022, malayo po ang agwat ng dalawang magtita.

Si Kon. Carla na kumakarera sa kauna-unahang pagkakataon sa pagka-alkalde ay tangan na ngayon ang mabalasik na 84.34 percent preference rating habang si Mayor Tita ay may 15.66 percent laang na rating, diumano.

Kung nagkagayunman, naniniwala po tayong nagbunga rin ang kasipagan nitong si Ate Carla na walang humpay sa pagbibigay ng mga libreng gamot, operasyon sa mata at libreng mga salamin sa ilalim ng kanyang “Eye, See a Better Malvar For You” program maliban pa sa mga Covid-19 kit na ipinamigay noong kasagsagan ng pandemya.

Dahil sa kabibilad sa araw at kakaikot umano ng kanyang tropa sa buong 15 na mga barangay ng Malvar ay nag-iba na ang kulay ni Ate Carla ngunit parang wala rin naman daw itong “pake” kahit medyo umitim na sya ngayon sabi ng kanyang close-in aide.

Si Ate Carla ay anak ng dati ring mayor ng Malvar na si Dr. Carlito P. Reyes na siya ring pangalan ng kanilang hospital sa lungsod ng Malvar partikular na ang CP Reyes Hospital sa lungsod ng Tanauan.

Mula pa sa murang edad na 17, si Ate Carla na ang tumaong COO ng CP Reyes Hospital hindi lang Child of the Owner kundi ang function ng isang tunay na chief operations officer.

Ang ekperyensya niya rito ay siyang kanyang naging gabay at sandata sa pagpapalakad ng sari-sari niyang functions pati na ang pagpapatakbo ng kanyang Ate Carla Foundation na tumutugon sa halos lahat ng aspeto at pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan gaya ng educational grants.

Para sa inyo pong kaalaman, ang asawa po ni Mayor Tita ay kapatid po ni Mayor CP Reyes, kung kaya’t Reyes vs Reyes ang labanan ngayon ng bayan ng Malvar sa pagka-alkalde.

Abangan.

Email ismaelamigo@yahoo.com .


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.