iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Online Concert for A Cause ni Mayor Sweet nakalikom ng P150K+

Oct 14, 2021, 12:19 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Sandamakmak ang nais maging konsehal ng Sto. Tomas!

Grabe na this!

Buti umatras ako kung hindi nakupo, tiyak lulubog na ang Comelec ng STC sa bigat.

Ngunit, teka, bago nating pasadahan iyan, bigyan daan muna natin ang matagumpay na "MALASAKIT Online Concert for a Cause” nitong Setyembre 29, 2021 ng Tanauan City sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Sweet Halili.

Grabe na this. Nakalikom diumano ng kabuuang P157,180.00 na pondo ito para sa mga lingkod bayani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan.

Ang naturang programa ay bahagi ng selebrasyon ng 121st Civil Service Month upang makapaghatid tulong pinansyal sa mga kawani ng pamahalaang lungsod na nangangailangan ng tulong at atensyong medikal.

Nagpakitang gilas at talento ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa kanilang mga special number na nagbigay-daan para makalikom ng malaking halaga.

Ang pondong nalikom ay mula sa kagandahang loob nina Mayor Mary Angeline “Sweet” Halili, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, at ilang pribadong indibidwal.

Kabilang sa mga nabiyayaan sa naturang programa ay ang mga sumusunod: Romeo Sumague (stroke patient, P31, 436.00), Carlito O. Macaisa, Jr. (chronic kidney disease, P31, 436.00), Marcos C. Masongsong (chronic kidney disease, P31, 436.00), Ryan G. De Ocampo (hyperthyroidism, P31, 436.00), Domingo L. Perez (chronic kidney disease secondary to hypertensive nephropathy, P31, 436.00).

Oks hindi po ba? Salamat po! Yan ang tunay na “Sweet” Service.

At heto na ngayon ang kalagayan ng kandidatura ng Sto. Tomas.

Maniwala kayo sa hindi, umabot ang bilang ng mga tumatakbong konsehal ng lungsod sa halos dalawang dosena!

OMG nga di ga?

Iyan ay para sa 10 upuan lamang sa city council.

Ang Sto. Tomas City ay may 30 barangay at ang mga tumatakbo na nag-file ay nasa 23 na ang bilang at malamang na meron pang nadagdag nitong araw ng Biyernes, 0ct 8, deadline ng filing ng COC.

Ang mga ito ay sina Arlene Manebo, Danilo Mabilangan, Ross Allan Maligaya, Gerardo Malijan,

Raquel Maloles, Helengrace Navarro, Leovino Villegas, Donna Marie Sanchez, Victor Bathan, Jonathan Castillo, Tom Reyes, Maureen Dimayuga, Ermina Centeno, Harold Nora, Adrian Carpio, Danilo de Mesa, Hernando Navarez, Reginald Manito, Kim Balitaan, Edwin Ascano

Ryan Molina, at Rosalina Mabilangan.

Whew...hinapo ako ron a.

Ang para sa pagka-alkalde naman ay nasa lima ang bilang. At ang mga ito ay sina dating STC Admin Atty. Arth Jhun Marasigan, Severino Harina, Vice Mayor Armenius Silva, Gen. Fausto Manzanilla, at ang batam-batang konsehal na si Timmy Almeda.

Ang dalawang huli ay wala pa sa printout ng Comelec na ipinasa sa atin noong Huwebes ngunit nabatid natin na nag-file si general sa mga alipores nya at sa lolo naman ni Timmy na nag-Viber message sa atin.

Dalawa naman ang magbabanatan sa pag-kabise mayor at ang mga ito ay sina konsehal Catherine Jaurigue at dating “Balitang Gala’ mainstay na si Reynante Arcillas.

Ano pa ang masasabi natin kundi: Good luck sa inyong lahat.

Email ismaelamigo@yahoo.com .


More about iTalk

iTalk by Ismael Amigo

Why do I need to pay an interview with Vice Mayor Silva?

6 days ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.