Recently, Pasig City Mayor Vico Sotto gave a reflection on what, I believe, governance should really be.
According to him, the real test for the reforms that he had made in his three terms is after he leaves City Hall.
Will his successor continue on the programs that he made? Or will he (or she) decide to reverse them and go back to the "nakasanayan"?
---o0o---
Former United States president John Quincy Adams was once quoted as saying: "A planter must prepare himself to face many disappointments."
He's not just talking about gardening (I'm sure many of those who took up gardening and horticulture during the Covid-19 pandemic can relate to this, seeing their plants wither and die after all the care they put into them), but life in general as well.
In each step we make, in each act or word, we plant. Lahat ng ginagawa natin, nagtatanim tayo para sa hinaharap. Sa bawat hakbang sa ating buhay, kailangan handa tayong ma-disappoint.
Sa pag-aaruga ng pamilya, sa araw-araw nating trabaho, maging sa pakikipagkapwa-tao natin, nagtatanim tayo ng mga punla na siya nating aanihin pagdating ng araw.
Governance is no different.
Sa bawat programa, polisiya o proyekto ng isang public servant, may itinatanim na siyang punla na tiyak na mapapakinabangan ng kanyang mga nasasakupan, hindi lamang sa panahon ng kanyang termino kundi pati na rin sa susunod na mga henerasyon.
At gaya ng nasasaad sa Bibliya, may choice ang mga pulitiko kung ano ang ipupunla nila, kung trigo na magpapakain sa marami o damong walang silbi.
---o0o---
Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga pulitiko na tila kapit-tuko sa kanilang pwesto, o di kaya ay ayaw nang bigyan ng pagkakataon ang ibang tao (na hindi kaanak o kaalyado) na pamahalaan ang kanilang bayan o lungsod.
Ang rason nila: sayang naman ang ipinunla ko kung bubunutin o sisirain ng hahalili sa akin.
Lalo na kung nagkataong hindi kakampi ang kahalili, na tiyak na mag-iintroduce ng sarili niyang governance style o sariling mga proyekto.
Ito rin ang rason ng ilang mga sektor na naniniwalang dapat tanggalin na ang mga term limit sa mga halal na opisyal ng pamahalaan.
Paniniwala nila, sa paglilimita ng termino o taon para sa mga public official, tila nilimitahan na rin ang bisyon nila. Kaya ang tendency, yung mga programa at proyekto nila, may term limit rin.
But Vico Sotto's words, to me, encapsulates what public service should be – and let me say this again, what a certain board member in this province has once told us: true governance should be defined not by elections, but by legacies.
At gaya ng nakita ko sa Laguna, may mga lider naman na handang payabungin ang itinanim na punla ng mga hinalili nilang opisyal, kaalyado man nila o hindi.
Kung malalim talaga ang pinagtaniman ng isang public servant, kung naalagaan ito nang mabuti at napagyabong, hinding-hindi ito kaagad mamamatay kahit sino man ang pumalit sa kanya.

