NPA, Salot sa Lipunan SIGAW SA SAKO!
Quezon

NPA, Salot sa Lipunan SIGAW SA SAKO!

Apr 12, 2021, 3:15 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

LUNGSOD NG LUCENA -- “NPA SALOT SA LIPUNAN, TERORISTA atbp.”

Ito ang mga katagang nakaukit sa mga poster, streamer na sako na kumakalat ngayon sa buong lalawigan ng Quezon, Laguna, at Batangas.

Isang halimbawa ang nasa larawan kaugnay ng artikulong ito. Ang sako na sinulatan ng pulang pintura ay nakapaskil sa barangay Mayao Crossing, Lucena City, sa kalsadang patungo sa Dalahican Fish Port.

Agaw-pansin ang mga lumang sako na gamit ang pulang pintura na may katagang “NPA SALOT SA LIPUNAN, TERORISTA” “NPA MAMAMATAY TAO, SALOT SA PAG ASENSO” “NPA EXTORSYUNISTA, MAPANIRA SA KALIKASAN”.

Ayon naman kay Southern Luzon Command (SOLCOM) Commander LT. GEN. ANTONIO G. PARLADE JR. sa ika-34th Anniversary ng Southern Luzon Command kamakailan na hindi nila gawain ang red tagging kung saan sinabi nito na ang mga makakaliwa mismo ang nag-red tag sa mga sarili nila bilang defensive move para maipatuloy ang kanilang mga panlilinlang at mga terroristic activity. Ang headquarters ng Solcom ay nasa Camp Nakar, Lucena City.

Dagdag pa ni General Parlade, dapat matapos na ang gawain ng NPA sa taong ito, at sana ang mga rebelde ay makadaupang palad, mayakap ng kanilang pamilya, ng pamahalaan at ng lipunan upang makamit natin ang tunay na kapayapaan.

Bukod pa sa pagiging Solcom commander, si General Parlade ang spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, at dahil dito ay nakataya ang kanyang career at buhay sa paglaban sa communist insurgency.

Dati ang mga slogan ay makikita rin natin sa mga pader, sa kalsada na isang bandalismo kung saan ang mga paratang na ito ay patukoy naman sa mga sundalo at kapulisan kung saan hayagang inako ng mga NPA ang mga naturang gawain.

Ayon sa ilang sibilyan na nakapanayam ng OpinYon Quezonin, ang kaibahan sa dalawa ay dati kung saan saan lang ito isinusulat kahit sa mga pader at tulay na nagiging dumi sa paningin. Noon, ang propagandang ito ay isinasakatuparan ng NPA sa pamamagitan ng kanilang tinatawag na legal fronts.

Ngayon, mga sibilyan na may adbokasyang supilin ang mga panlilinlang at panlulukong ginawa ng communist terrorist groups ang naglalagay ng mga slogan na ito, tulad nga ng sa barangay Mayao, Lucena City.

Kamakailan, mga dating rebeldeng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan ang nagbuo ng grupo upang mapangalagaan at maprotektahan ang kanilang mga sarili dahil alam nila na sila'y papatayin ng mga dati nilang kasamahan.

Sinabi ni Ka Mando (hindi tunay na pangalan), puro paghihirap ang kanilang dinanas sa kabundukan, gutom at sakit ang tiniis, samantalang ang kanilang mga lider ay pasarap sa buhay na nakatira sa magagarang subdivision at exclusive at magagarang schools nag-aaral ang kanilang mga anak.

Tila ata nawalan na ng kredibilidad ang tatlong kambal na organisasyong Communist Party of the Philippines, New People's Army at National Democratic Front (CPP, NPA at NDF) dahil ang mga magulang ng mga kabataang nalason ang isip na bigla na lamang naglaho kung saan kanila na lamang napag-alaman kasama na sa kabundukan naging kasama na ng NPA dahil sa ginawang panghihiyat ng mga legal fronts nito, kung saan ang iba ay minalas na nasawi sa encounter ng NPA at tropa ng pamahalaan.

Base sa mga post sa FB page ng mga magulang na nagbuo ng advocacy group na “Save our Children” dapat ng magising ang mga kabataan sa katutuhanan at wag nang magpalinlang pa sa mga bitag o pain na pumasok sa mga legal fronts na may mas malalim na hangarin sa likod ng nakalutang na fake advocacy.

Ayon kay PLT COL. CHITADEL GAOIRAN, tagapagsalita ng Laguna Police Provincial Office sa ginanap na press briefing, ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang orientation at seminar, pamimigay ng leaflets at flyers sa pangunguna at pamumuno ni Provincial Director PCOL SERAPIN PETALIO III sa mga paaralan at unibersidad na bahagi sa kanilang awareness program upang mamulat ang mga kabataan sa katutuhanan at hindi mapariwara ang kanilang mga buhay dahil sa panlilinlang ng mga communist terrorist groups (CTG).#


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.