News fatigue
(Un)Common Sense

News fatigue

Apr 1, 2026, 6:30 AM
James Veloso

James Veloso

Writer/Columnist

If, this Holy Week, we can all make some personal sacrifices, here’s what I believe you can do: get off your social media feeds for a while. Stop listening to the news during Holy Week.

Medyo contradictory, ano? Trabaho ko ang maghatid ng balita, at ang payo ko ay itigil na muna ang pagsubaybay sa balita tuwing Kwaresma?


As I said last year, Holy Week has given television and radio stations in the Philippines, even the non-Catholic stations, to pause their programming for maintenance works.


And I suggest that we all turn off the tap of information so that we can just understand what’s really going on in the world. Just for this week.


Now, don’t get me wrong. This is not to say that information should be limited – that would be censorship. In a democracy, the public has the right (and the duty) to be informed.


Pero ika nga ng mga matatanda, anumang labis ay masama. That’s the way I see it now with the overload of information that we are having.

Consider: noong bata pa ko, mas may panahon pa ang mga tao na mag-isip sa impact ng mga pangyayari sa bansa nila, sa mundo nila. Mas madali ring makipag-usap, makipagtalakayan, makipagkwentuhan sa mga isyung kinakaharap natin, kahit na magkakaiba ang paniniwala natin.


Tingin ko, ito ay dahil kakaunti lang ang source ng information, at limited pa ang sakop. Tri-media, kung baga – radio, television, newspapers. At noon, kapag pinatay mo ang TV o nilapag mo sa mesa ang diyaryo, tapos ang flow ng impormasyon. Mas may panahon para sa pag-aanalisa, pag-iisip, pakikipag-diskusyon.


Kaiba na ngayon: dahil sa Internet at social media, makukuha mo na ang balita at your fingertips – at real time pa! Instant updates, instant news. Kada minuto, may nangyayari, may nagbabago. Sa bawat scroll mo, may nasasagap ka agad. May nalalaman ka kaagad.


Ang problema, sa kaka-“doomscroll” natin, nawawalan na tayo ng pagkakataon at panahon para mag-isip, magnilay at maunawaan ang impact ng mga balita sa pamumuhay natin.


Ang isipan natin, para nang naging makina sa pabrika na hindi na pwedeng mag-pause dahil madidiskaril ang produksyon. O parang kain lang tayo nang kain na hindi natin nadi-digest ang kinakain natin.


At alam naman natin ang mangyayari kung hind nadi-digest ang kinakain natin: sumasakit ang tiyan natin.


Parang ganyan ang pag-aabsorb natin ng impormasyon – kapag nawawalan tayo ng pagkakataon na unawain ang ating binabasa, hindi lang sumasakit ang ulo natin.


Para tayong nabo-bloat, para tayong nao-overwhelm, para tayong nalulunod sa takbo ng mga pangyayari.


At dahil nalulunod na tayo sa kanya-kanyang mundo na halos hindi na tayo nakikipag-usap sa isa’t isa, mas pakiramdam natin na tila wala nang solusyon, wala nang pag-asa, wala na talagang kinabukasan para sa mundo natin.


Sa tingin ko, dapat muna tayong mag-pause. Itigil muna ang pagkalap natin ng impormasyon. Ito ang magbibigay sa atin ng pagkakataon para talaga makapagnilay-nilay at makapag-isip kung paano natin makakayang baguhin ang sitwasyong kinasadlakan natin ngayon.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.