Community Whispers by Ray Junia
Community Whispers

Nahihibang Na Si Isko

Apr 26, 2022, 12:58 AM
Ray L. Junia

Ray L. Junia

Publisher

Una, pinawi-withdraw niya yung No. 2 sa mga surveys na si VP Leni Robredo.

Nang hindi siya pinatulan at iniwanan pa siya ng mga dinawit niya sa Manila Pen, na sina Senator Ping Lacson at dating Defense Secretary ni GMA na si Norberto Gonzales — kapwa tumatakbo bilang presidente, ngunit mga patuloy na kulelat — ngayon naman ay tinatawag niya si VP Leni na "bully".

Saan ba nanggagaling ito?

Lakas pa nang loob niyang banatan ang No. 2 sa surveys at sabihing magwithdraw dahil akala niya mapipikon niya si Bise Presidente.

Alam ni VP ang kalakaran sa buhay kaya hindi dahil laking Tondo si Isko (at yung ang lagi niyang pinagmamalaki) e mas streetwise ito sa kaniya.

Akala ba niya na kung sakaling magwithdraw (e di naman ito ever magiging totoo) si Bise Presidente mapupunta ang mga boto sa kaniya? Sus. Nagdududa nga ang mga tao na baka kaya niya binabanatan si Bise Presidente ay para magalit ang mga tao at lumipat sa frontrunner, na yun pala ay siyang tunay na sinusoportahan.

Siguro may usapang posisyon sa kaniya sakaling manalo si frontrunner o di kaya ay may pangakong malaking pera.

Ika nga, why go for Number 2 and not Number 1?

Ang Totoo

Dahil sa illogical exposé niya tungkol sa kineclaim niyang hikayat sa kanila ni VP Leni noon na sila’y magwithdraw — at pinagkagastosan pa ng P2,000 per plate sa Manila Pen (sino kaya ang nagbayad nun?) — nagalit ang mga supporters ni VP Leni.

Naglabasan tuloy ang mga retrato niyang kasamang kumakain si Marcos Jr. (ang supposed frontrunner sa mga survey), ang kanyang mga magagarang kotse na Bentley at sports cars, at ang kaniyang dalawang mansion sa hanay ng mga magagarang kabahayan na obviously ay hindi sa kaniyang lugar sa Manila.

Ang mga ito ay sa Ayala-Alabang at sa Makati, ngunit sa Manila siya meyor.

Pinagmamalaki niyang mahirap siya, ngunit nangunguna pa siyang magsalita na si VP Leni ay isang matapobre at elitista.

E baka nung pumasok siya sa politika bilang konsehal at vice mayor ni hindi na siya sumasakay ng jeep at bus kung saan man siya pupunta. Baka hindi mo siya mapakain sa isang turo turo na kainan sa Maynila.

E si VP Leni, kongresista na ngunit sumasakay pa rin ng bus pauwi sa Bicol.

Dedma Lang

Sa sobrang galit ni Isko kay VP Leni — hanggang ngayon tinitira pa niya ng kung ano ano ngunit dine-dedma lang siya ni VP — ay dumadami tuloy ang nawawalan ng gana sa kaniya at lumilipat sa kampo ni bise presidente. (At bakit kay VP Leni?)

Sige. Galitin mo pa lahat ng tao. Baka pagdating ng Mayo 9 e ikaw na lang at iyong asawa at mga anak ang boboto sa iyo.

Ang pakiusap ni VP sa mga supporters niya ay mag-focus sa kampanya at halalan at huwag makinig sa mga ingay.

Sa birthday rally ni VP Leni sa Pasay ito ginanap dahil sa hindi binigyan ni Isko ng permit upang magamit ang anumang parte ng Manila para makapagkampanya si VP.

Ngunit nagbukas ng pinto ang simbahan at doon siya nakipagmeeting sa libo-libong botante na nakinig ng husto sa kaniya.

Patuloy pa rin ang paglagas sa kampo ni Isko. Mga supporters at mga nadismayang voters sa kaniyang mga kabalbalan.

Talaga lang, nahihibang na si Isko. Kawawa naman!


More about Community Whispers

Community Whispers by Ray Junia

Why farmers are poor

4 days ago

Community Whispers by Ray Junia

A House divided

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.