"What we are seeing here is a case of mouth diarrhea and brain constipation."
I first heard those words in 2015 while binge-watching an obscure (to the Philippines, but very popular in its home country) Egyptian news satire show called "El Bernameg."
That particular episode, while tackling issues such as happiness and depression, also made a passing comment on how Egyptian media was being bastardized by “experts” who appear on panel TV shows and spout out all kinds of commentaries that on first glance sound like expert opinion but in reality are total BS.
Mouth diarrhea and brain constipation. To me, that’s exactly what’s happening in our social media spaces right now, especially in light of the intensifying war on public opinion between the Marcoses and the Dutertes.
All of a sudden people who brand themselves “political experts” suddenly pop up on my social media feed and give all kinds of “nuanced opinions” on the socio-political issues of the day.
Kung papansinin ninyo, yung iba sa mga biglang naging “political expert” ay mga dating nagpapakilala bilang “medical expert,” “sociologist,” o di kaya e sasabihing mga ordinaryong tao sila na nais lang magbigay ng sarili nilang kuro-kuro sa mga isyu ngayon.
Eto ang sa akin: madaling sabihing eksperto ka sa social media. Madaling papaniwalain ang mga tao na may alam ka, na may basehan ang opinyon mo. Madaling magtalak, madaling magpost ng halos kilometrikong essay sa Facebook page mo.
Pero para sa mga nagbabasa at nagtitingin talaga, eto ang tanong ko: sigurado nga ba kayong may basehan ang mga opinyon na nababasa ninyo? O baka masyado kayong nabibihag hindi lamang sa mga mabubulaklaking “expert advice” kundi pati na rin sa political bias ninyo, na hindi na ninyo naiisip na baka propaganda lamang ito na ang layunin ay lituhin ang isip ng publiko?
As a writer who has worked for years for an opinion-based newsmagazine, I understood for the very start the impact of opinion. Opinion is not merely a view or a point of a person; it is meant to challenge the public, make them think, make them question the world they’re living in.
Opinions that merely reinforce political biases or prejudices, to me, defeats that very purpose. At gaya ng sinasabi ko sa kolum ko noon pa, delikado ito lalo na sa mga Pilipino na mahilig sumabay sa uso, sumabay sa mayorya, madaling mapaniwala sa mga opinyon na sumasang-ayon sa sarili nilang mga bias.
Opinion should encourage critical thinking, not enforce the biases and prejudices of its readers. Kaya kung sa pagkabasa mo ng isang opinion piece sa social media at ang una mong naiisip ay, “Wow, sang-ayon ako rito,” iyon na ang panahon para mag-isip ka: nais ba talaga ng writer na mag-isip ka, o baka ginagatungan lang niya ang iyong personal na saloobin para pumanig ka sa kanya?
Dahil kung iyon nga talaga ang layunin ng maraming mga “eksperto” na naglipana sa social media ngayon, mayroon nga talaga tayong malalang kaso ng mouth diarrhea at brain constipation. Maraming pumuputak, pero kakaunti lamang ang may saysay ang ipinuputak.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonColumn #UnCommonSense