"JURISPRUDENCE ... technically, it is the science of law."
Sa masalimuot na laro ng politika, may mga di inaasahang nangyayare na pwede palang mangyare para maisulong ang adyendang politikal na ang sabi daw ay sa ngalan ng serbisyo publiko.
Tulad ng nangyareng pagkakasuspende ng 8 Bokal sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon.
Hindi inaasahan ni Bokal Sony Ubana at mga myembro ng majority sa Sangguniang Panlalawigan na hindi aayusin ng Gobernador ang mga nakita nilang mga bagay na di akma sa pagpasa ng taunang badyet batay sa mga regularidad at legalidad ng check and balance sa ilalim ng prinsipyo ng co-equal branches of government at ang kultura ng transparency at public accountability.
Nuong November 12, 2021 ay ipinasa ng 4 na natirang Board Members ang nakabinbin pagpasa ng proposed and revised budget sa taong 2021.
Kabilang dito sina BM Alona Obispo, BM Jet Suarez, BM Rhodora " Doray" Tan at si BM Yna Liwanag. Habang si Vice Governor Sam Nantes tumatayong presiding officer ay sinabi na may suspensyon ang 8 Bokal mula sa DILG.
Duon na tumayo si BM Reynan Arogancia na lumalabang Congressman sa Ikatlong Distrito ng lalawigan Quezon at tinatanong ang legalidad ng isinasagawang session dahil wala itong " qourum" at sa kanyang tingin ay napaka "unusual" ng nagaganap sa mga oras na iyon. Sa tagpong ito ay sinabi ni Bokal Suarez na tumatayong Majority Floor leader ng mga oras na iyon na may jurisprudence na diumano ang Korte Suprema sa ganitong di pangkaraniwang sitwasyon.
Nagpakitang gilas naman si Bokal Obispo sa kanyang mga kasamahan at agad na nag motion na baguhin ang internal rules and procedures sa SP at nagmungkahe na magkaroon ng special session upang maipasa ang proposed 2021 budget, supplemental annual investment program, ilang municipal ordinaces at resolutions at ang pagkakaroon ng special session sa susunod na 2 araw.
Throwback tayo sa kwento ng 2021 Proposed Annul Budget na matapos na magkaroon ng deliberation at pagsusuri ng mga meyembro ng Sangguniang Panlalwigan ay ibinalik ito sa opisina ni Governor Danilo Suarez upang baguhin ang mga napansin nilang bagay dito.Una,kinakitaan ng "lumpsum" nila Bokal Sony Ubana ang proposed 2021 annual budget na ipinagbabawal na ito sa desisyon ng Supreme Court. May jurisprudence na dito, ika nga. Ikalawa, ayon sa majority ay hindi tugma ang proposed budget sa nauna ng budget message mula sa tanggapan ng gobernador. Ikatlo, binawasan ng 40 percent ang MOOE ng halos 11 public ospital sa lalawigan kaya lumalabas diumano na hindi ito makatwiran sa panahon ng pandemya sapagkat sa kanilang tingin ay kailangang bigyan ng mas malaking pondo ang mga ospital.
Subalit imbis na aksyunan at ayusin ng gobernador ang nasabing concerned ng majority block ay nagsumbong ito sa Malacanang at inireklamo ang 8 bokal kabilang dito ay ang abused of authority at oppression .
Nagtatanong ngayon ang taong bayan, kailan naging abused of authority at oppression ang pagsisinop ng kabang bayan?
Sabi ni dating Congressman at Vice governor Vicente "Kulit " Alcala ay kailangang 2/3 ng mga meyembro ng SP ang dumalo sa session upang masabing may "quorum " lalo na at pondo ang adyenda sa session. Maliwanag umano na Moro-moro ang ginawang session at pagpasa ng 2021 revised annual budget kasabay ang pagpasa ng supplemental budget at ang pagpasa ng 2022 annual budget dahil hindi umano pwedeng magpasa nito hanggat hindi pa nauubos ang naipasang annual budget. Klaro anya na nilabag ng 4 ng bokal ang mga artikulo at probisyon ng R.A. 7160 o ang Local Government Code of 1991.
Anuman ang intensyon ng 4 na bokal ay malalagay sa alanganin ang mga batayang legal sa pagpasa ng budget sa LGU ng lalawigan. Ang paggamit ng jurisprudence na kasangkapan kahit na may questions of legality at morality ay dadaan sa malalim na pagsusuri ng malayang pananaw at kaisipan ng taong bayan dahil ika nga ng isang senior citizen na kaibigan ko, "kailan pa naging tama ang mali?"
Moro-moro ba ito o hindi...nagtatanong lang po kaming mga mamamayan.