Mayor AJAM ng Sto Tomas mahilig pala sa chicks!
iTalk

Mayor AJAM ng Sto Tomas mahilig pala sa chicks!

Dec 27, 2023, 7:06 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Kailangan nating linawin ito agad.

Kundi, tiyak lagot tayo nito kay Mayor AJAM pati na kay mayora.

Peace po Mayor and Mayora! Merry Christmas and Happy New Year!

Ang linya po sa itaas ay hindi naman po talaga yaong nasa isipan po nating mga anak ni Adan.

Sa tulong ni kaibigang Jojo Marasigan, pinsan ng ating alkalde na muling nahalal bilang kagawad ng Bgy. San Antonio (congrats Jo!), nainterview natin si Mayor AJAM noong pang nakalipas na taon bago sumapit ang May 9 national elections sa mismong bahay niya.

Pero ngayon ko lang talaga napatunayan na mahilig sa chicks ang ating “Bilis Serbisyong” mayor!

At hindi siya makasarili!

Marunong siyang mamahagi. At may kasama pang patuka!

Opo, ipinamahagi niya ang kanyang mga “chicks” upang aniya maging simula ng mumunting kabuhayan sa mga Tomasinos.

Katunayan umabot sa 90 ang bilang ng mga benepisyaryo ng kanyang Chick Dispersal Project sa pamamagitan ng City Livelihood and Enterprise Development Division ng lungsod.

Naganap ito noong nakalipas na Huwebes, ika-7 ng Disyembre 2023.

Ang bawat isang benepisyaryo na binubuo ng mga senior citizens, magsasaka, miyembro ng Tanglaw Tomasino at One Tomasino ay napagkalooban ng tig-tatlumpung (30) alagaing sisiw at tatlong (3) kilong chick booster starter.

Ang tulong-panimulang ito ay kanilang pararamihin na magbibigay hindi lamang ng solusyon sa pangangailangan ng kita kundi magpapataas din ng antas ng kanilang kabuhayan.

Ang naturang programa ay bahagi pa rin ng kanyang 12-point agenda na naglalayong makapagbigay ng hanapbuhay at kabuhayan para sa lahat ng Tomasinos.

Sa panahong kasalukuyan, umaabot nalamang sa 25 na araw ang pag-aalaga ng kamanukang pang-katay.

Dati-rati umaabot ito ng 45 days na naging 30 at ngayo’y 25 days na lamang.

Kung kaya’t pupwedeng mapakinabangan na ang mga “chicks” ni Mayor AJAM pagsapit ng New Year, January 1, 2024.

Peace, Mayor. Malinaw na tayo riyan sa isyu ng mga “chicks” n’yo ano po.

“Sana, all,” daw may “chicks” bulong ng dumaan sa gawing likuran ko.

Pero malay niyo nga naman.

Kung kailangan niyo ng “chicks” subukan niyo lamang kausapin si Mayor AJAM.

Hindi kayo mahihindian niyan.

Kaso lang sobrang busy, hitik ang schedule ni Mayor. Lahat daw kasi pinupuntan kung anong nakahain na schedule niya.

Tayo rin, hindi natin makuhang makasingit.

Pero makakatiyempo rin tayo.

Kasi need din po sana natin ng “chicks!”

Hehe...

#iTalk #IsmaelAmigo #MayorAJAMNgStoTomasMahiligPalaSaChicks #OpinYonColumn #OpinYon #WeTakeAStand



We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2025 OpinYon News. All rights reserved.