iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Masangsang na amoy, imbestigahan!

Jun 24, 2021, 12:00 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

NARARAPAT lamang na imbestigahan ng provincial council pati na ng DENR, ang reklamo ng ilang residente ng lungsod ng Sto. Tomas at Lipa tungkol sa di umano'y masangsang na amoy na nanggagaling sa isang malaking building sa may boundary ng dalawang siyudad.

Ngunit, bagama’t nagpadala na tayo ng mensahe kung ano na ang update sa naturang reklamo sa opisina ni Vice Gov. Mark Leviste, magpahanggang sa ngayon ay wala pang kasagutan ang tanggapan ni Kuyang Mark.

Kailangan rito ang mabilisang aksyon sa parte ng provincial government bago pa man lumala ang kalagayan ng mga taong naninirahan na malapit sa planta.

Ang masangsang na amoy ay nagmumula di umano sa isang kompanya sa Barangay Sta. Teresita, lungsod ng Sto. Tomas, kung kaya’t dapat umaksyon ang mga taga environment department ng nasabing lungsod.

Inirereklamo ang ‘di kaaya-ayang amoy ng mga residente sa Barangay Plaridel at San Lucas sa lungsod ng Lipa at pati na rin ang mga naninirahan sa Barangay Sta. Teresita.

Ito’y mainit na paksa ng Committee Hearing noong ika-7 ng Hunyo 2021 ng Committee on Environmental Protection, sa pangunguna ni 2nd District Board Member Wilson Rivera.

Nagpasya silang imbestigahan ang nasabing hinaing ng mga nakatira sa mga barangay sa boundary ng Lipa at Sto. Tomas, ngunit magdadalawang linggo na ang nakalipas ay wala pang update o ulat mula sa Sangguniang Panlalawigan.

Lahat ay nakaabang kung ano ba talaga ang dahilan at bakit nagkaroon ng masangsang na amoy bigla-bigla mula sa naturang kumpanya na dati naman ay wala.

Tinitiyak natin na mayroong dahilan yan kung bakit kagaya na lamang ng amoy bulok na itlog na nalalanghap paminsan-minsan ng mga residente ng Bgy. San Antonio Sto Tomas na ayon sa iba ay amoy ng asupre (sulfur) na galing sa geothermal power plant project ng Maibarara sa bundok Makiling.

Marahil dahil minsan-minsan lang naaamoy ang ganoon ay wala pang concerted action mula sa village HOAs at mga residente na malapit sa bundok Makiling.

Makakahinga pa ng maluwag ang pamunuan ng Maibarara kung ganyan. Pero papaano na kung sumidhi na ang masangsang din na amoy.

Balik tayo sa boundary ng Lipa at STC.

Ang reklamo sa masangsang na amoy diyan ay naipabatid sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa privilege speech ni Vice Governor Leviste, na nagsabing ilang mamamayan na ang lumapit sa kanya upang ipaalam ang umaalingasaw na mabahong amoy sa naturang mga barangay aniya.

Dagdag pa ni Kuyang Mark sa B’yaheng Kapitolyo (ang official radio program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas) na nagiging dahilan na ng pagsakit ng tiyan ng ilang mga residente sa mga nasabing barangay ang hindi kaaya-ayang amoy na ito.

Sus, ‘wag na magpatumpik-tumpik pa vice at aksyunan na iyan agad at tinitiyak natin na mayroong magagawa ang provincial council hindi katulad sa SO2 (sulfur dioxide) na inireklamo rin ng malapit na mga residente sa bulkang Taal.

Diyan, ay walang magagawa tayo kundi ang lumikas kung kinakailangan dahil iyan ay hindi man-made kundi galing kay Inang Kalikasan.



More about iTalk

iTalk by Ismael Amigo

‘PH will be great again’

2 days ago

iTalk by Ismael Amigo

Life's so unfair

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.