Mas pinabilis na  Relief Operations sa Quezon
PERSPECTIVE

Mas pinabilis na Relief Operations sa Quezon

Feb 6, 2026, 6:48 AM
Sol Luzano

Sol Luzano

Writer

Inilunsad ng Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon ang isang napakahalagang hakbang sa disaster response management sa pamamagitan ng paglulunsad ng Project RAMDAM (Relief Allocation Management Distribution and Monitoring) nitong January 21, 2026.

Ang Project RAMDAM ay simbolo ng makabagong paraan ng pamumuno: paggamit ng mobile app at web portal ng mga lokal na pamahalaan upang masubaybayan ang bawat galaw ng tulong, relief packs, cash assistance at masiguro ang tamang allocation sa tamang tao, at higit sa lahat, patatagin ang public trust sa bawat hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.


Sa ilalim ng Project RAMDAM, magkakaroon ng real-time monitoring para sa mas mabilis na pagtugon sa mga nasalanta at transparency para sa mas malinaw kung saan napupunta ang bawat sentimo ng pondo. Gayundin, ang gagamit ng feedback and request mechanism para matiyak ang epesiyenteng pag-aabot ng tulong.


Nakikita ko ang proyektong ito bilang isang malaking hakbang hindi lamang para sa Quezon, kundi para sa buong bansa.


Ipinapakita nito na sa tamang kombinasyon ng teknolohiya at malasakit, puwede nating gawing mas epektibo at maaasahan ang disaster response.


Sana’y maging inspirasyon ang Quezon sa ibang lalawigan na yakapin ang makabagong pamamaraan at mas pahalagahan ang buhay at kapakanan ng mamamayan.


Alam naman natin with the advent of new technology ay napapabilis ang mga bagay- bagay kahit maging sa ating pang araw-araw na gawain.

#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews #Perspective


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2026 OpinYon News. All rights reserved.