We doff our hat to the idea and initiative hatched by the esteemed ladies of Soroptimist International-Lipa City.
Under the able leadership of design and build lady contractor Ellie Hiwatig, SI-Lipa signed recently a memorandum of understanding with the BJMP-Lipa Ladies Dorm to a program aptly tagged as Weave of Hope.
Sa ganang akin, isa po itong makabuluhang proyekto sa mga kababaihang deprived of liberty o incarcerated ang mabigyan sila ng kaunting pag-asa na maging produktibong mamamayang muli sa ating lipunan.
Kasama ang mga kababaihang BJMP officers na namamalakad sa nautrang “ladies dorm” sa lungsod ng Lipa, ang atin pong PDLs roon ay sumailalim ng karampatang pagsasanay na humabi ng iba’t-ibang uri ng ladies bags.
Kung titingnan natin sa mga kuha ng larawan ng finished products nila, ay masasabi nating mainam po silang pang-regalo ngayong Kapaskuhan sa kadahilanang nakatulong ka na sa kababaihang serving time for assorted crimes, ay nakaambag ka na rin ng pondo para sa educational program ng SI-Lipa at sa iba pa nilang proyekto.
Ang pagbibigay ng oportunidad na kumita ng ating mga kababayang nakapiit ay isang positibong hakbang tungo sa pagbibigay ng pag-asa na makamtang muli nila ang tinatawag na self-worth.
Mahalaga ito sa isang nilalang upang maipakita natin ang ating kakayahan sa madla o lipunan.
Ito ay nagbibigay rin ng pag-asa sa isang tao upang magsumikap pa upang mabuhay at maipadama ang pagmamahal sa kanilang pamilya at mga mahal nila sa buhay.
Nawa’y magbigay ito ng ideya sa pamahalaan na pag-ibayuhin pa ang mga programang makakatulong na isulong ang potential ng ating mga nakakulong na work force.
Sa ibang bansa gaya ng Thailand, Malaysia at iba pa, ang dating felons umano nila ay tinutulungan mismo ng kanilang bansa na makaalis at makahanap ng trabaho abroad.
Nalaman ko ito sa isang kaibigan na dating OFW sa Korea dahil aniya mayroon siyang naging katrabaho roon na umano’y ex-con pero nakapag-abroad sa tulong ng kanyang bansang Thailand.
Isa lamang siya diumano sa kangkatutak na pinapaalis ng kanilang bansa.
Sa bansa natin, tinatayang 81,888 detainees na ang lumaya noong pandemic sa pamamagitan ng digital processing ng Supreme Court at pinababang bail sa mahihirap ng preso.
Ngunit ang tanong ay nananatili: Para sa mga inilabas na bilanggo, saan sila pupunta?
May kakulangan sa trabaho dahil maraming negosyo ang nagsara dahil sa pandemya. Mas masama, may umiiral pa ring panlipunang stigma laban sa dating bilanggo na nagpapababa ng kanilang pagkakataon na makahanap ng trabaho.
Ngunit mayroong nagbigay pag-asa sa kanila.
Sa buong panahon ng kanyang paglilingkod sa Davao City Jail mula 2016, si Jail Captain Edo Lobenia ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa rehiyon ng Davao ay nasaksihan ang maraming kwento ng mga bilanggo na paulit-ulit na bumabalik at umaatras sa bilangguan.
Pagkatapos magserbisyo ng kanilang unang parusa, karamihan sa kanila ay hindi makahanap ng disenteng trabaho at hindi tinatanggap ng kanilang mga pamilya. Kaya naman, pumili silang muling masangkot sa krimen.
"Ang panlipunang stigma na madalas na nararanasan ng dating bilanggo matapos ang kanilang paglaya ay maaaring mas mapanakit kaysa sa pagkakakulong mismo," sabi ni Edo.
Bilang tugon sa alalahanin na ito, itinatag ni Edo ang "Second Chance Philippines," isang programa ng serbisyong pang-employment pagkatapos ng paglaya para sa dating PDLs sa pakikipagtulungan sa BJMP Davao Region.
Sana marami pa tayong marining na ganitong mga kwento na makapagbibigay inspirasyon.
#iTalk #IsmaelAmigo #MainamNaPanregaloNgayongPasko #LipaCity #Batangas #SoroptimistInternational #BJMP #WeaveOfHope #PDLs #SecondChangePhilippines #OpinYonBatangas #OpinYon #WeTakeAStand