"Ang tao ay mula sa lupa at magbabalik sa alikabok" (Salawikain/ Biblical)
Isakdal mo man ako, lupa ko ' to.
Isang maikling salita na nagpapaiwatig ng paninindigan ng isang tao tungkol sa kanyang pinakamahalagang ari- arian. Ang lupa gaanu man kaliit ang sukat ay napakahalaga. Merong ang sukat ay pwedeng pagtayuan ng isang maralitang taga- lungsod ng kanyang maliit na barung- barong, bahay kuno ng isang mahirap na magsasaka o pwede din namang ang sukat nito ay malaki na pwedeng pagtayuan ng isang palasyo ng mga naghaharing u ri sa sinapupunan ng lipunan at may hawak ng poder at kapangyarihan sa pamahalaan.
Lupa, lupa, lupa ang itatabon kapag ang isang nilikha sa pumanaw na dukha, ngunit kapag ikaw ay mayaman, ginto at pilak ang ilalagay sa ibabaw nito. Nagpapakita na hanggang sa kamatayan, ang magkalayong agwat ng mahirap at mayaman ay masasalamin hanggang sa huling sandali ng iyon buhay at sa sukat ng lupa na inilaan sa iyong huling hantungan.
Fast forward tayo,,,, ilang panahon na lang at darating na ang May 2022 National at Local Election. Ika nga ni Juan Makabayan ay nagsisimula na ang batuhan ng putik ng mga kandidatong nais na syang pumalit sa upuang tila kay sarap manatili dahil taglay nito ang kapangyarihan at otoridad.
Si Vice Mayor Philip Castillo, Ka Philip sa kanyang malalapit na kaibigan at mga kaalyado sa pulitika dahil sa kanyang pagiging "masa" at masipag na halal na opisyal sa lungsod ng Lucena ay inaakusahan ngayon diumano ng kanyang mga kalaban sa pulitika na isa syangland grabber.
Kaya naman malakas na..."HINDI AKO LAND GRABBER" ang tugon nya sa akusasyong ito. Katunayan, ipinakita sa The Equalizer ni Vice Mayor Castillo ang mga dokumento na nagpapatunay na mali ang paratang sa kanya. Aniya,hindi sya papayag na sirain ng sinuman ang kanyang pangalang kay tagal nyang iningatan maging ang kanyang pamilya na katuwang ni VM Philip sa pagpapalago ng kanilang Real Property Development company. Dugo at pawis ang kanilang pinuhunan dito bago pa man maging maunlad ang kanilang kumpanya na pinamamahalaan ng kanyang anak na si Christa " Star" Castillo.
Ayon kay Vice Mayor Castillo na kandidato sa pagkaYorme sa lungsod na ito ay bahagi ng maruming taktika sa politika ang ganiyong bagay kayasamot - sari ang isyung ipinupukol sa kanya. Sa kanyang paglilinaw sa sinasabing pagkuha nya ng mga lupa o land grabbing ay ipinakita ng opisyal ang mga dokumentong nagpapatunay na kahit kailan ay hindi sya umaangkin ng lupang hindi sa kanila bilang land developer. Nakasaad sa dokumentong hawak ni VM Castillo mula sa Land Registration Authority ang titulo ng lupang T- 4293 na syang nakakasakop sa Lot # 3454 at Lot# 3450 .
Pinatutunayan ito ng mga testigo sa ginawang Extra Judicial Settlement at ang Notaryadong Special Power of Attorney (SPA) na pinirmahan ng 5 indibidwal na nagpapatotoo sa dokumentong nabanggit.
Umaasa si VM Castillo na ang mga dokumentong hawak nya at ipinakita sa The Equalizer ay syang magiging daan upang tumigil na sa ginagawang paninira sa kanya dahil hinding- hindi syaumano gagawa ng isang bagay na mali sa batas at ikasisra ng kanyang pangalan.
Kilala si Vice Mayor Philip Castilll na isang magaling na lingkod ng bayan.
Nagsimula bilang konsehal ng lungsod ng Lucena, lumabang mayor ngunit hindi nabigyan ng pagkakataong makaupo kahit na ang kanyang kalaban nuon ay disqualified sa simula pa lamang ng halalan. Nasa huling termino na ng kanyang panunungkulan bilang ikawang ama ng lungsod si Vice Mayor Philip Castillo at ngayon ay muli nyang susubukang masungkit ang posisyong ipinagkait sa kanya ng kapalaran bilang pinuno ng isa sa pinakamaunlad na syudad sa CALABARZON.
Sa huli ay sinabi ni VM Philip Castillo na handang handa na syang harapin ang hamon ng bukas maging ang mga taong naninira sa kanya dahil ang tuntungan ng kanyang paninindigan ay katotohanan at ang mga mamayang naniniwala at nagtitiwala kanya. padayon lang!