Just a few weeks ago, a business establishment right next to our office has once again closed its doors.
That establishment was a store that brands itself as having the "cheapest" roofs in town, and was established only last year.
What piqued my curiosity, however, is not just how fast that business had gone under - in just a few months, I noted.
You see, in the more than ten years I had worked for OpinYon - and the six years that I had worked here in Laguna province since the pandemic - that space had been occupied by some six or seven varied business establishments.
---o0o---
Sigurado akong napapansin rin ninyo ang phenomenon na ito: may biglang lilitaw na negosyo - either kainan or something else - na iha-hype sa social media at sasabihing "dinudumog" ng mga residente at bisita.
Pagkaraan ng ilang buwan, magugulat ka na lamang na may nakalagay na "Space for Rent" na sa pwesto nila.
O di kaya bigla na lang mag-aanounce sila sa social media na ititigil na nila ang kanilang operasyon.
Doon ka mapapaisip: Saan kaya nagkulang ang nasabing establisyimento at ni hindi man lamang tumatagal ng kahit isang taon man lamang?
---o0o---
Madaling sabihin na tinamad ang may-ari nito, o di kaya ay nagkamali sila sa pagtimpla ng business trends.
O di kaya e naging biktima sila ng bilis ng pagbabago ng mga trends sa social media: ngayon, dinudumog, usong-uso, hina-hype; tapos bukas e parang wala nang nakakaalala sa nasabing trend dahil either "overhyped" na at sawa na ang mga tao o di kaya ay may nakita silang mas "worthy" umano na gawing viral.
Pero isipin ninyo, hindi ba iyan ang dahilan kung bakit may mga programa para sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang mga pamahalaang lokal?
Sa totoo lang, lagi tayong nagtatanong kung may mga programa ba ang ating mga LGU para magabayan ang mga starting businesses hindi lamang sa pagsisimula ng negosyo kundi pati na rin sa pagpapalago ng mga ito.
Sa palagay ko, hindi kasi sapat na may mga "perks" para sa mga maliliit na negosyo, gaya ng ginawa ng ilang LGU sa lalawigan ng Laguna kung saan ginawang libre ang mga business permit at iba pang mga gastusin para sa mga starting business.
Ang higit na kailangan ng ating mga MSME ay gabay mula sa mga eksperto sa kung paano i-maximize ang kanilang mga resources at talent at gamitin ang mga ito upang mapagyabong ang kanilang mga negosyo.
Mahalaga ito lalo na't kung iisipin na marami sa mga MSME na ito ay tapang at tiyaga lamang ang puhunan (bukod sa pisikal na kapital) at minsan ay ni wala pang gaanong alam sa negosyong balak nilang pasukin.
Tandaan natin na ang mga maliliit na negosyo ay hindi lamang bumubuhay ng ekonomiya ng ating mga bayan at lungsod: ang mga ito ay parang "glue" na nagbubuklod rin sa ating mga komunidad.
Gaya ng mga barberya o parlor shop, karaniwang ang mga malilit na negosyong ito na pinagkukumpulan ng mga tao nagsisimula ang community spirit at pakikipagkapwa ng mga residente.
#WeTakeAStand #OpinYon #OpinYonNews

