iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Libreng Tuli

Mar 17, 2022, 12:47 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

Nakaugalian na kapag summer ang pagpapatuli na halos kasabay din ng mga paliga ng basketball at iba pang mga aktibidades na magagawa habang bakasyon ang mga sa eskuwela.

Ito rin ang naging daan upang maglunsad ang iba’t-ibang City Health Offices ng lalawigan na gaya ng lungsod Tanauan na ginanap simula noong Martes, ika-8 ng Marso, mula Barangay Poblacion 1 hanggang 7 at sa Bgy. Sambat.

Mahal po ang tuli na hindi libre.

Kung babayaran, ang pinakamura ata nito ay nasa P1,500 sa private hospitals.

Rite Of Passage

Kung kaya’t malaki ang pasasalamat ng mga magulang ng kabataang nadadaanan ng kagaya ng proyekto na nilunsad sa lungsod ni Mayor Sweet Halili.

Kamakailan ang aking dalawang apo ay dumaan sa tinatawag na “rite of passage” para sa mga anak ni Adan.

Masakit lalo na kung di pokpok ng labaha ang pantuli na kagaya ng nakararaming middle-aged at seniors na ngayon ng male population.

Pero ngayon, kahit na may pampahid na pampangimay ng sakit, makikita mo pa rin sa mga mukha ng mga bata ang sakit.

Labing-apat na araw ang pagpagaling nito sa pamamagitan ng langgas-langgas ng pinakuluan na dahon ng bayabas at araw-araw na palitan ng gasa.

Ngunit gayon pa man, minsan lang itong pagdaraanan ng isang lalaki hindi gaya ng mga babae na sobrang laki ng sakripisyo sa inconvenience sa monthly period nila at panganganak.

Idagdag pa riyan ang pag-aalaga ng bata. ‘Wag na lang natin isa-isahin pa baka hindi na kumilos ang mga kababaihan at magpa-bebe na laang.

Personal Hygiene

Ayon sa ating narining sa isang radio program na may guest na doctor, kailangan daw talaga ang pagpapatuli dahil meron kasing naiiwan na dumi sa loob ng ari ng lalaki na kahit ika’y maligo ay hindi matatanggal hanggat hindi “pinag-iismile” si alaga.

Personal hygiene daw pala ang numero unong rason nitong pagpapatuli sabi ni Dok.


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.