Community Whispers by Ray Junia
Community Whispers

Let us unite behind our new leader

May 17, 2022, 12:37 AM
Ray L. Junia

Ray L. Junia

Publisher

Isa lang ang malinaw sa ngayon. Tapos na ang eleksyon. Panahon na upang tanggapin ang bagong nahalal na lider—gusto man natin ito o hindi—kasi kailangan nating mag-unite para sa ating inang bayan. Kalimutan na muna natin ang mga bangayan at galit na naranasan natin noong kampanya at eleksyon. We must unite under the newly-elected (even if he was not who we voted for, but people have spoken) so tanggapin na lang natin siya, alang-alang sa bayan natin.

Marami rin naman sa atin na no’oy hindi matanggap si Digong nung 2016, ngunit sa pagdaan nang ilang buwan ay natutunan na natin tanggapin ang kaniyang pamumuno ng ating bayan—bagama’t marami sa ating na hanggang sa kadulu duluhan ay nasusuklam pa rin sa lahat ng pangyarari nung kaniyang termino.

Ganun din sana ang maging pagtanggap natin ngayong sa presumptive president Ferdinand Marcos Jr.—anak ng dating diktador na namuno sa atin—acceptance with reservations (na dulot ng ating mga kaalaman at perceptions tungkol sa kaniyang pamilya at sa kaniyang pagkatao mismo).

Ang mahalaga ay mag rally tayo behind him, upang mayroong pupuntahang maganda ang ating bayn.

Hangga’t hindi nakikita ng ibang bansa at foreign investors ang ating pagtanggap sa kaniya, lalo tayong mahihirapan sa ating ekonomiya at sa pamumhay. Walang maniniwala at magtitiwala sa atin bilang isang bansa.

Lubog tayo sa utang

Heto nga’t mahirap ang hinaharap ni Marcos Jr. Isang bansa na ang utang ay lumobo na sa P12.679 trillion, o 63.5 percent ng ating gross domestic product (GDP)—lumagpas pa sa international threshold na 60 percent. Ito ay pangalawa lamang na pinakamataas na level ng pagkautang ng Pilipinas in 17 years o mula nung panahon ni Gloria Macapagal Arroyo, kung saan ang ating debt to GDP ratio ay umabot sa 65.7 percent.

Ayon sa Philippine Statistics Authority ang Pilipinas ay nagkakahalaga ng P19 trillion.

Magtulungan na lang tayo. Sana yung mga komento noon na huwag na lang magbayad ng buwis kasi ang liderato na si Marcos Jr. ay hindi nagbabayad ng estate tax sa yamang iniwan ng kaniyang ama sa kanila na P203 billion, ay hindi maging totoo. Kasi pagtinuloy ang boycott from tax payments, e saan na lang pupulutin ang ating bansa. Baka hindi na sa kangkungan kundi sa imbornal.

Ipagpatuloy pa rin natin ang pagtutulungan sa ating mga kapwang nasa laylayan. Wala naman ibang makakatulong sa atin kundi tayo na rin.

Maghanda sa darating na kahirapan

Dahil lubog ang ating bansa sa utang, e natural lang na mahihirapan tayo makakuha ng mga tutulong sa atin mula sa ibang bansa. So dapat tayo’y maghanda sa hirap na darating.

Sigurado ang mga investors ay magdadalawa or magtatatlong isip sa pagpahiram sa atin ng mga pondo para sa ating economic recovery. Sino ba naman ang gustong magpautang sa isang bansa na lubog na sa utang. Walang sense di ba!

Kaya magsave na lang tayo para sa future hardships natin. Huwag tayong umasa sa mga ayuda at walang maibibigay ang gobyerno. Magsipag pa tayo ng husto. At magtipid sa ating mga gastusin. Kung lahat tayo ay magiging masinop, disiplinado sa gastusin at bayarin at masipag, siguro naman ay maangat natin ang sarili natin at along the way pati na ang bansa natin.

Gabinete

Ngayon pa lang ay marami nang listahan ang pinalalabas na posibleng Gabinete ni Marcos Jr. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang tumatanggap o nagpapahiwatig ng pagtanggap kung maalok man ng posisyon. Meron pa nga diyan na posibleng finance secretary—kaklase ni Marcos Jr. sa La Salle—na tumanggi na kasi alam niya ang napakahirap na hinaharap ng bansa natin.

Ngunit, hanggat hindi nalalaman ng foreign investors are choices ni Marcos Jr. sa economic team, ay hindi sila magpaplanong mag-invest sa Pilipinas. Napakalungkot nang hinaharap natin.

Kaya bago pa man harapin ni Marcos Jr. ang kaniyang gigantic task—e hayaan na lang natin siyang mag party party muna sa Amanpulo Island—na ni reserve for three days sa Cuyo, Palawan para sa kaniyang victory party.


More about Community Whispers

Community Whispers by Ray Junia

Why farmers are poor

4 days ago

Community Whispers by Ray Junia

A House divided

3 weeks ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2022 OpinYon News. All rights reserved.