iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Lack of medical oxygen killing Batanguenos

Oct 7, 2021, 12:48 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

A PHYSICIAN from Calaca who requested anonymity confided to us through Messenger app saying many of our “kababayang Batangueños” are dying from Covid-19 simply because of a dwindling supply of medical oxygen.

Methinks the low supply is driven down by the high demand of Covid-19 patients in the province.

Similarly, the high demand also drove prices up to incredible heights forcing the good doctor to post on her social media account the following directed to Gov Dodo Mandanas:

“Paki-control naman po sana ang presyo ng oxygen sa Batangas. Yung malaking tangke 15k na po ang isa. Overpriced po tapos may nagho-hoard daw po,” she said.
“Kawawa po mga pasyente, hindi na nga po ma-admit sa ospital tapos wala pa po mabiling mura na oxygen habang nasa bahay po sila. Maraming buhay po ang nawawala.”

“Nakaka-awa po lubha. Alam po nating lahat ang hirap ng kalagayan ng may Covid na umaasa sa tulong ng medical oxygen”.

“Ako mismo may mga kakilala at kamag-anak na nagka-Covid at maliban daw sa sakit at hirap sa paghinga na dulot ng Covid ay “bibigay” ka sa katinuan sa sobrang stress”.

Sa ganang atin, malamang na nakarating na ito sa taggapan ng gobernador dahil ayon sa kanya, nag-order na ang lalawigan ng sandamakmak na medical oxygen tanks para sa mga Batangueno na maaapektaran ng Covid.

Ito’y batay na rin sa layunin ng probinsya na masuplayan ang lahat ng mga nangangailangan na hindi na uupa pa ng pagkamahal-mahal na tangke ng medical oxygen na lumalaro ng hanggang P15K.

Nakapaloob din ito sa bagong inaprubahan ng pamahalaang lalawigan na Covid response directive na tinatawag na Integrated Health Care or Integrated Medical Service, kung saan pinapayagan na ang pagaaruga, paggagamot, pag-quarantine, at pag-isolate ng isang pasyente sa kanilang sariling bahay.

Dahil dito, pinaghandaan ito ng probinsya kung kaya’t umorder na sila ng 700 na pirasong medical oxygen tanks na habang sinusulat natin ito noong nakalipas na linggo ay malamang na nai-deliver na sa Kapitolyo.

Maging ang national government ay naghahanda rin ng sapat na suplay ng medical oxygen dahil umaarangkada na ang highly-transmissible COVID-19 Delta variant sa buong kapuluan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “the country has "sufficient" oxygen supply for now, the government is in talks with manufacturers so it could buy more tanks. Currently, our existing oxygen supplies are sufficient but we need to add so we could be more prepared," aniya.

Ang isa pa rito ay dapat diumanong magdagdag ang mga hospitals ng kanilang bed capacity para sa COVID-19 patients sa mga local government units.


More about iTalk

iTalk by Ismael Amigo

Runaway oil price hikes

8 hours ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.