iTalk by Ismael Amigo
iTalk

Komunikasyon mahalaga sa lahat ng oras

Jul 22, 2021, 12:02 AM
Ismael Amigo

Ismael Amigo

Columnist

SA mga oras ng sakuna, kalamidad o anomang insidente, sadyang mahalaga ang komunikasyon.

Ito rin ang gumagabay sa mga special agents sa kanilang special operations na sa ngayon, gamit ang mga makabago at advance na teknolohiya, ay pwede rin mapanood “in real time.”

Gaya na lamang noon nang atakihin ng Navy SEALS ng US ang kuta ni Osama Bin Laden noong Mayo 2, 2011 sa isang compound sa Abbottabad, Pakistan, high-tech communication played a vital part.

Live na pinapanood at mino-monitor ng White House sa pangunguna ni dating US President Barack Obama ang pag-atake ng SEALS at pagkuha kay Bin Laden na animo’y isa lamang pelikula at nakakausap ng live ang pinuno ng mga operatiba.

Sa lahat ng antas ng buhay at sa lahat ng uri ng mga bagay na gumagalaw na may buhay, komunikasyon ang siyang gabay.

Sa operasyon ng kapulisan o security guards, mahalaga ang “real-time communication.”

Marahil ito ang dahilan bakit muling binuhay ng Tanauan City ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Council (BDRRMC) na layong armasan ng “real-time communication system.”

Hindi lamang isa kundi ang lahat ng mga barangay ng lungsod dahil sa kahalagahan nito sa gitna ng anumang sakuna gaya ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Kung hindi pa ito nagagawa ng iba pang local government units na malapit sa Bulkang Taal gaya ng Agoncillo, Laurel, Talisay, at iba pang LGUs, aba’y napapanahon na pag-usapan o talakayin nila ito’t ilunsad sa lalong madaling panahon.

Tiyak na makakapagligtas ng maraming buhay ang may mainam na communication system na bayan.

Kung hindi man sa pamamagitan ng hand-held walkie-talkies ay mayroong isang kumpanya na nag-o-offer ng serbisyo na mag-install ng citywide o municipal-wide na public address system na agarang magbibigay ng anunsyo kung ano assessment sa isang sitwasyon at kung ano ang nararapat na gagawing aksyon tungkol dito.

Ayokong banggitin ang pangalan ng kumpanya ngunit sadyang tumpak na pang-emergency situation ang espesyalidad nila.

Sa gitna ng kalamidad gaya ng malakas na pagsabog ng bulkan, lindol, bagyo, atbp., mayroon din silang mga pang-emergency power system pati na safe water collection system dahil, gaya ng pagkaala ng koneksyon ng kuryente, ay kasunod na nawawala ang suplay ng tubig.

Mayroon din silang EWD (early warning device) para sa mga lindol, isang paraan ng high technology system na magbibigay babala sa mga taong nasa loob ng building na lumikas na habang may panahon pa.

Ito’y ay isang uri pa rin ng komunikasyon na galing naman sa isang device.


More about iTalk

iTalk by Ismael Amigo

A ‘Sweet’ challenge?

16 hours ago

We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2021 OpinYon News. All rights reserved.